Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rhian, inaming hindi kumain ng dalang pagkain ni Marian

Rhian, inaming hindi kumain ng dalang pagkain ni Marian

PINABULAANAN ni Rhian Ramos ang isyung nag-isnaban sila ni Marian Rivera nang minsang dumalaw ito sa taping ng isang serye.

“No, walang isnaban na nangyari. In fact when she walked in and said hi to everyone, and she brought food pa for everyone, I immediately got up and made her beso. But the thing is, we were sitting kasi waiting for a scene to start or waiting for the set to be ready, about the time that she came, naging ready na rin ‘yung set, I had to change, I had to get ready for the scenes, stuff like that, so I just didn’t, you know, parang we didn’t have time to hang out. And besides hindi naman ako ‘yung binisita niya roon, ‘di ba? Siyempre si Dong so,” paliwanag niya.

Inamin din niya na hindi siya kumain ng dalang pagkain ni Marian.

“I was on a diet at that time. Swear I was really on a diet,” aniya.

Pero mariin niyang sinabi na nagpansinan sila ni Marian.

Ready na ba siya na may fans na mang-aaway sa kanya ngayong balik-tambalan sila ni Dingdong?

“I don’t want to say na it’s expected pero it’s, hindi naman specific sa kanila, eh. Kasi para bang whenever, kasi ako, wala talaga akong loveteam, I’m not a loveteam person, you know.

“So everytime that I’m partnered with someone, nanggaling na sila sa ibang loveteam. When I was partnered with Chard, it was Richard Gutierrez and Angel Locsin, JC de Vera and Yasmien Kurdi, and then Mark Herras and Jennylyn Mercado, ‘di ba?

“Everytime I’m partnered with someone, wala akong loveteam kasi.It’s not a path that I chose for myself, I didn’t want to be ano, I just wanted to work with everyone, parang ganoon. Anyways, so parang ‘yung nangyayari, not naman na ini-expect ko lagi pero it’s, iyon ‘yung napapansin ko na normal behavior ng fans kasi siyempre nakasanayan na nila na makita ‘yung dalawa nilang idols together tapos ‘pag na-partner sa akin, it’s like, ‘Ha?’

Naaapektuhan ba siya ‘pag inaaway ng fans?

“You know what, as weird as this sounds, even when people get mad at me, I don’t think that it’s personal. Kasi hindi nila ako kilala, you know? Parang I don’t take it personally, unless kilala ko talaga ‘yung tao, we see each other face-to-face tapos galit siya sa akin, ayaw niya sa akin, iyon parang, ‘Ah okay, personalan ito’. Pero kung hindi kami magkakilala personally and then they’re mad at me, I don’t get hurt kasi parang wala, it’s just a behavior, parang ganoon,” sambit pa ni Rhian.         (roldan castro)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top