Tuesday , November 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / PBA D League tuloy na sa Huwebes

PBA D League tuloy na sa Huwebes

LALARGA na ang bagong season ng PBA D League sa pagbubukas ng Aspirants Cup sa Huwebes, Oktubre 24, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa 14 na koponang kasali sa torneo, lima rito ay mga baguhan at halos lahat sila ay may tie-up sa ibang mga paaralan tulad ng Banco de Oro (National University), Derulo Accelero Oilers (University of the Philippines), Air21 (Arellano) at Zambales M-Builders (Trinity University).

Kasali rin sa torneo ang NLEX, Blackwater Sports, Big Chill, Cebuana Lhuillier, Café France, Cagayan Valley, Hog’s Breath, Jumbo Plastic at ang isa pang baguhang Wang’s Basketball Club.

Nagsanib ang NLEX sa San Beda College habang karamihan sa mga manlalaro ng University of the East ay kasama sa lineup ng Cebuana.

“I still don’t know who will be my holdovers and new players until now because the NCAA season is still in its elimination phase and players are not allowed to practice or sign up with teams,” wika ni NLEX at San Beda coach Boyet Fernandez.

Sasabak na rin sa D League ang MVP ng ASEAN Basketball League na si Chris Banchero na pumirma na sa Boracay Rum.  (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top