Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Movie ni box office actress ‘di kumita dahil kay maingay na aktres

Movie ni box office actress ‘di kumita dahil kay maingay na aktres

AWA ang naramdaman namin ngayon sa maingay na aktres dahil siya ang sinisisi kung bakit hindi gaanong kumita ang pelikulang pinagsamahan nila ngayon ng isa ring kilalang aktres.

Box-office hit lahat ang pelikula ng kilalang aktres at maski na hindi kagandahan ang iba ay talagang malakas sa takilya, kaya kitang-kita raw at tested na kung sino ang may balat sa puwet, ang maingay na aktres.

Ganito rin ang kuwento ng ilang movie producers na nakatsikahan namin na hindi nga raw kumikita ang mga pelikula ng maingay na aktres na ikinatataka rin nila dahil maganda naman at marunong umarte, pero anong nangyari sa kanya.

Deadma lang naman ang kilalang aktres na nakasama ng maingay na aktres dahil ang katwiran niya, “eh, hamu na, nakakaawa naman kung sisihin pa, siguro next time, pag-aralang mabuti ang project.”

At sa tanong kung gusto pa ulit ng kilalang aktres na makasama ang maingay na aktres, “sa ngayon, siguro hindi muna.”

Oo naman, sayang ang box-office title niya ‘no?

(Reggee Bonoan)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top