Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kandidatong tserman patay sa boga

Kandidatong tserman patay sa boga

Patay sa tama ng bala sa sentido ang incumbent kagawad na tumatakbong barangay chairman sa Barangay 160, Sta. Quiteria, Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police Spokesperson P/Supt. Ferdinand del Rosario, isang tama ng bala sa sentido ang ikinamatay ni Kagawad Victor Ando.

Napag-alamang bukod sa pagiging kagawad sa loob ng tatlong termino, presidente rin ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) si Ando.

Wala pang makapagturo kung sino ang suspek sa krimen pero kabilang sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya ang politika. Hindi naman isinasantabi ni Caloocan Police Chief S/Supt. Bernard Tambaoan ang posibilidad na nagpakamatay ang biktima dahil sa sentido ang tama nito.

Tumangging magpahayag ang mga kaanak ng namatay na  kagawad.     (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top