Tuesday , November 4 2025

67-anyos lola utas sa motor

TODAS habang isinusugod sa pagamutan ang 67-anyos lola dahil sa bundol ng kaskaserong drayber ng motorsiklo kamakalawa ng umaga sa C-5 by-pass Road, Marikina City.

Kinilala ni P/SSupt. Reynaldo Jagmis, ang biktimang si Remedios Brazil, 67-anyos, ng 86 O. de Guzman St., Barangay Industrial Valley Complex (IVC) habang naaresto naman ang suspek na si Mark Gerente, 24, binata, bar tender ng 557 Boulivar St., Phase 10, Bankers Village, Guitnang Bayan I, San Mateo, Rizal.

Sa imbestigasyon ni P03 Celestino Foronda, dakong 10:00 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa Industrial Valley sa lungsod.

Sa lakas ng impak, pumalo ang ulo ng matanda na agad din naisugod sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center pero binawian ng buhay 4:30 ng hapon at idineklarang patay ni Dr. Marek Ibañez.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isinampang kaso laban sa suspek na nakakulong sa Marikina City Police detention cell.

(Ed Moreno)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …