Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Alyas Dennis ‘Sabong’ BIR matindi ang banta sa Bulabugin

Alyas Dennis ‘Sabong’ BIR matindi ang banta sa Bulabugin

00 Bulabugin JSY

NAGPAPA-MACHO EPEK daw ang isang BIR employee na sugapa sa sabong na si alyas DENNIS BIR.

Aba ‘e panay daw ang BUSA sa mga sabungan na hindi siya natatakot sa isang ‘d’yaryong pambalot lang tinapa.’

Bwahahahaha!!! Ungas!!!

Lahat ng d’yaryo kapag luma na ipinambabalot na talaga ng tinapa.

Nagyayabang pa ang kamoteng ito na bayad at may kontrata na raw tayo!?

And FYI, alyas DENNIS BIR, marami na ang nagsabi at nagbanta sa akin n’yan, hanapin mo sila at ipagtanong kung nasaan na sila ngayon …

Hak hak hak!

Isa pa, kung hindi ka pala dinadaga sa isang d’yaryo na kagaya namin … e bakit kung sino-sinong kaibigan ko na malalapit sa akin ang pinatatawag mo para kausapin ako in favor sa iyo?!

Tekamots ka pala ‘e!

At ano kamo?! BAYAD NA AKO dahil ipinatatrabaho mo na ako?!

Sus, marami na rin ang nagpaabot sa akin n’yan! Tine-text at tinatawagan pa ako.

‘E kung nanghihiram ka lang pala ng TAPANG d’yan sa sinasabi ‘magtatrabaho’ sa akin ‘e huwag ka nang maghangot.

Ang lalaking matapang, alam kung saan nakapwesto ang kanyang yagbols.

Anyway, isa lang ang ISYUNG pinag-uusapan dito alyas DENNIS ‘sabong’ BIR, ang kapal ng mukha mo para KUNIN ang ipinasusweldo  ng GOBYERNO pero wala kang ginagawa sa oras na dapat ay nagtatrabaho kundi ang MAGSABONG (24/7) sa iba’t ibang sabungan sa Rizal.

Saan ka KUMUKUHA ng milyon-milyones na ipinangsasabong mo?!

Kaya marami na rin ang NAGTATAKA sa inaasal ni BIR Commissioner KIM HENARES. Wala siyang aksyon man lang sa ipinakikitang TAHASANG PAMBABASTOS sa SERBISYO SIBIL nitong si alyas DENNIS ‘sabong’ BIR.

Commissioner KIM, sinusweldohan ba ng gobyerno si DENNIS BIR para MAGSABONG lang?!

Mukhang gusto ko nang MANIWALA sa ipinagkakalat ni DENNIS BIR na untouchable raw siya  sa  BIR dahil nakikinabang sa kanya ang ilang matataas na opisyal d’yan …

Kasama ka ba sa mga nakikinabang kay DENNIS ‘sabong’ BIR, Commissioner Henares?!

Baka maniwala na ako, kapag nabalitaan ko pa rin sa mga susunod na araw ‘e patuloy ang MILYON-MILYONES na ‘parada’ ni DENNIS BIR sa mga sabungan sa RIZAL.

May dapat kang PATUNAYAN, Commissioner KIM HENARES!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top