Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Hindi lang SSS officials ang may Milyon-milyones na bonus pati GSIS din

Hindi lang SSS officials ang may Milyon-milyones na bonus pati GSIS din

00 Bulabugin JSY

SABI ng GSIS, “Maaasahan ng Lingkod Bayan.”

Ibig sabihin po n’yan ‘yung mga PUBLIC SERVANT … kasama na ang mga guro, mga doctor, nurses, attendants, maintenance sa pampublikong ospital, at iba pang serbisyo publiko.

Gusto ko lang bigyang-diin na kahit napakalaki ng kakulangan sa empleyado (under staff) sa public sector lalo na sa mga ahensiya na may kinalaman sa edukasyon at kalusugan, e marami rin ang nakaliligtaan na bigyan ng tamang kompensasyon at insentibo.

Gaya nga ng isyu ngayon sa SSS na milyon-milyones ang tinanggap na BONUS ng makakapal ang mukha na opisyales. Habang ‘yung mga miyembro at pensioner ay hirap na hirap makakuha ng benepisyong nakalaan sa kanila mula sa nasabing ahensiya.

Kumbaga, bayad nang bayad lang ang miyembro, pero pagdating ng oras na kakailanganin na nila ang serbisyo ng nasabing ahensiya, wala lang …waiting ka muna… as in zero … walang epek.

‘Yun pala ganyan din ang kalagayan ng mga miyembro ng GSIS.

Ang bonus ng GSIS Board of Kapalmuks ‘este’  Directors ay umabot naman sa P10.448 milyon.

Grabe naman talaga kakapal ng mukha ng mga opisyal na ‘yan!

Akala natin e natapos na ‘yan maling kalakaran nang mawala si WINSTON GARCIA sa GSIS.

Hindi pa pala…

Meron pa palang natirang mga LINTA!

Hindi man lang kayo tinamaan ng hiya. Pakengsyet!!!

Lahat na nga ng perks and privileges sa GSIS ‘e mga opisyal ang unang nakakatamasa ‘e, pagkatapos ang BONUS ninyo mas malaki pa sa mga miyembrong regular na nagbabayad ng premium nila.

Malamang hindi lang BONUS. Maski sweldo ng mga GAHAMAN na ‘yan tiyak na tiyak na ABOVE BOARD.

Majority ng mga opisyal at empleyado ng GSIS ay mayroong mga sariling bahay mula sa LOAN nila sa GSIS pero halos 50 porsiyento ng miyembro ng GSIS na regular na nagbabayad ng kanilang premium ay walang sariling bahay at nangungupahan lamang kung saan-saan.

Dapat talaga kayong IPROTESTA hangga’t hindi ninyo IBINABALIK ang labis-labis na bonuses na natanggap ninyo.

HOY ISOLI n’yo ‘yan! ANG KAKAPAL NINYO!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top