Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shaina, ideal man si Piolo

Shaina, ideal man si Piolo

ISA si Shaina Magdayao sa cast ng You’re My Home at kambal sila ni Enchong Dee sa istorya kaya’t hindi sila puwedeng maging love team tulad ng inaasahan namin dahil nga may secret crush ang aktor sa dalaga noon pa.

Anyway, tungkol kay Piolo Pascual ang tinanong kay Shaina dahil nasabi raw ng aktor sa isang presscon na puwedeng maging prospect ang dalaga kung iibig siyang muli.

Hindi naniwala si Shaina sa tanong sa kanya at ilang beses niyang tinanong kung totoong sinabi nga iyon ni Piolo.

At ilang segundo lang ay sinagot na rin ng dalaga ang sinabi ng aktor, ”baka may nakita siyang mabuti sa akin para ma-appreciate niya ng ganoon. Nagpapasalamat tayo na na-appreciate tayo ng mga taong nakapaligid sa atin.”

Type ba ni Shaina si Piolo?

“Kasi si Papa P, ideal man ‘yan ng lahat, ang guwapo, ‘di ba? Ang bait-bait, wala ka namang mairereklamo sa kanya, kung bakit hindi naman, ‘di ba po.  Pero siyempre, malayong-malayo pa tayo roon,” katwiran ng aktres.

May problema ba sa age gap si Shaina in terms of lovelife?

“Hindi po siguro magiging isyu ‘yan sa akin, like I said this is the first time na ipinagdarasal ko sa buhay ko na sana huwag munang dumating, I mean hindi naman natin mapipigilan kapag umibig tayo, ‘di ba, ‘yun na ‘yun, eh.

“Hindi mo mapipigilan ang sarili mo sa wonderful thing na umibig muli, but I’m praying na sana huwag muna kasi napakaraming trabahong dumarating sa akin ngayon.

“Gusto ko munang pahalagahan iyon at unexpected ang trabaho ko na after ‘JDC’ (Juan de la Cruz) ay mayroon ng ‘You’re My Home’, parang kung iisipin mo, maraming walang trabaho tapos ako pa ‘yung napili, so, gusto ko po sanang pahalagahan ‘yun,” paliwanag ni Shaina.

Hindi pa raw handang magmahal muli ni Shaina, ”opo, hindi pa, mararamdaman naman natin ‘yun, ‘di ba, pero sana huwag muna.”

May chance ba kung sakaling manligaw si Piolo, ”hindi naman po natin masasabi ‘yun hangga’t hindi nangyayari, mahirap naman, at saka ayokong mag-assume kung anuman ‘yung ibinibigay niyang friendship sa akin. Ayokong bigyan ng kulay, kasi ‘yung mga tao mas excited pa na makikita kami in a relationship or pumasok kami in a relationship. So parang mas excited pa ‘yung mga tao sa akin na magkaroon ako ng boyfriend?”  nakangiting paliwanag.

At sinabi namin na kaya paanong hindi mabibigyan ng malisya ang samahan nila ng aktor ay madalas silang nakikitang magka-holding hands.

“Alam ninyo, ito lang ‘yun, sweet talaga kasi si Papa P at the same time sobra talaga kasi siyang gentleman.

“At kaya niya nagagawa sa akin iyon kasi komportable ako sa kanya, I’ve worked with him and ‘yun nga, ‘yung trust nandoon na kasi bata palang ako nakatrabaho ko na siya.

“‘Yung ‘Lobo’ palang, 18 years old pa lang ako, nakatrabaho ko na siya and walang isang beses man lang o wala akong ma-recall na isang beses na feeling ko nabastos ako o nag-take advantage siya, not in any ways, so the trust is always there, the more na mas lumalalim kasi nga nakagawa kami ng ‘On The Job’ (OTJ) na kinailangan kong mapagkatiwalaan ang leading man ko at that time and not in any way din na naramdaman ko na nag-take advantage si Papa P sa ‘On The Job’, so, mas malalim ‘yung friendship, mas lumalim ang trust,”paliwanag mabuti ni Shaina.

Dumalaw na ba si Piolo sa bahay nila, ”hindi pa ate, hindi. Walang ganoon,”mabilis na sagot sa amin.

Isa pang tanong sa dalaga ay ang paggi-give way ni Sam Milby kay Piolo sa panliligaw sa kanya, ”ay tanong n’yo si Jessy Mendiola, kasi naman, ayokong makisali po sa picture.

“Alam naman nating may nililigawan siya (Sam), ‘yun ang last I heard.  Huwag na tayong makisali, kayo talaga,” masayang sagot ng apple of the eye rin ni Coco Martin sa Juan de la Cruz.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top