Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sam, enjoy sa bagong restaurant business

Sam, enjoy sa bagong restaurant business

101913 sam milby

AMINADO si Sam Milby na hindi malawak ang kaalaman niya sa restaurant business, pero may mga kaibigan naman daw siyang kaagapay para mapagtagumpayan nila ang negosyong pinasok.

Kamakailan nga ay binuksan na restaurant business ni Sam, ang Prost German Pub sa The Fort Strip, Bonifacio Global City. Kasama niya rito ang kanyang mga kaibigang sina Dom Hernandez, Stefania Zanirato, Ryan Syjuco, Marc Von Grabowski, at Edward Hernandez.

Sa edad 29, hindi man gaano katiyak si Sam sa kanyang kakayahang magnegosyo, confident naman siya sa mga kaibigang matatas ang kaalaman sa restaurant.

“I met the rest through Prost. These are friends and people that have more experience in restaurant business,” sambit ni Sam pero bago raw naman siya napa-oo ay nag-isip muna siya. ”At first, medyo I was like, ‘I dunno if I’m ready for that.’ Ako ‘yung tipong kailangan mag-isip talaga. And I knew how competitive the restaurant business is, now especially. But, it’s more for the experience. I wanna do something different. It’s doing well so far,” paniniyak pa ng actor.

Bukod sa magandang lugar na magandang tambayan ng magkakaibigan, tiyak na mag-eenjoy din ang sinumang pupunta sa Prost sa kanilang iba’t ibang klase ng sausages at iba pang pagkain doon, at ang ipinagmamalaki nilang ibang klase ng beer.

“There are actually a lot of other dishes here that are not pork. My favorite is the Hoff burger. I’m a beef eater talaga. Masarap ‘yun,” sambit pa ni Sam.”And all of my friends that come here, they say they love the beer. Although I’m more of a wine person.”

At kung gusto ninyong makasama si Sam, magtungo na sa Prost dahil, ”I’m here a lot. It’s not checking the progress of the restaurant. I enjoy being here. Even if I weren’t a partner in this, I like coming here just to chill and enjoy the good food.”

Bukas ang Prost mula 4:00 p.m. to 2:00 a.m. on weekdays, and from lunch hour until 3:00 a.m. on weekends.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top