Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Karnaper timbog sa Oplan Sita

Karnaper timbog sa Oplan Sita

LAGUNA—Timbog sa mga kagawad ng Calauan PNP ang 25-anyos hinihinalang karnaper sa ipinatupad na “Oplan Sita” at narekober ang anim nakaw na motorsiklo sa Brgy. Prinza, bayan ng Calauan, lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Junel Martin, walang hanapbuhay, tubong Brgy. Aranas, Balete, Aklan, at naninirahan sa Brgy. Prinza, sa bayang ito.

Sa imbestigasyon, dakong 9:10 p.m., hindi huminto ang suspek habang lulan ng motorsiklo sa inilatag na checkpoint sa Brgy. Silangan.

Bunsod nito, hinabol siya ng mga awtoridad hanggang sa madakip malapit sa kanyang safehouse.

Kasunod nito ay narekober ng mga pulis ang anim na motorsiklo at isang 9mm baril na ginagamit ng suspek sa operasyon. (BOY PALATINO)

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top