Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Inang nagmasaker sa pamilya, nagbitay

Inang nagmasaker sa pamilya, nagbitay

BACOLOD CITY – Pagkatapos imasaker ang pamilya, apat buwan na ang nakalilipas, nagbigti ang isang ina sa lalawigan ng Negros Occidental.

Patay na nang matagpuan ng kanyang mga magulang si Arlen Galan, 34, ng Zone 1, Brgy. Bacuyangan, bayan ng Hinobaan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Hinobaan Police Station, wala silang nakikitang foul play sa nasabing insidente.

Una rito, minasaker ni Arlen ang kanyang sa-riling pamilya na ikinamatay ng isa sa kambal na si Jay Mar Galan, 1; ang kanyang mister na si Johnny, 50, na pinutulan pa ng ari gamit ang gunting.

Maswerte naman nakaligtas ang isa sa kambal na si Jay Mark, ang kapatid na si Jevon John, 11, at ang apat na buwan sanggol.

Dumaranas ang biktima ng postpartum psychosis nang maganap ang pagmasaker.         (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top