Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Wansapanataym Halloween special nina Ai Ai, Cherry Pie, a t Izzy, nanguna sa ratings

Wansapanataym Halloween special nina Ai Ai, Cherry Pie, a t Izzy, nanguna sa ratings

ISA pang maganda ang chemistry ay sina Ai Ai de las Alas at Izzy Canillo kasama si Cherry Pie Picache dahil tinutukan kaagad ang pagsasama nila sa Wansapanataym na may titulong Moomoo Knows Best na napanood noong Oktubre 12 dahil nakakuha kaagad sa ratings game ng 30.9% sa national TV ratings ng Kantar Media kompara sa Vampire ang Daddy Ko ng GMA na nakakuha lamang ng 20.6%.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Moomoo Knows Best bukas ay unti-unti nang magbabago ang buhay ng pamilya ni Joanna (Ai Ai) ngayong mayroon na siyang kakayahan na makakita ng mga kaluluwa.

Paano matutulungan ni Kwatzy (Izzy) si Joanna sa tamang paggamit ng kanyang bagong extra-ordinary powers? Anong hamon ang haharapin ni Joanna sa pagdating ng bago niyang karibal bilang esperitista na si Lavender (Cherry Pie)? Kasama nina AiAi, Cherry Pie, at Izzy sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Marco Gumabao, Jojit Lorenzo, at Michelle Vito. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Arlene Tamayo at idinirehe ni Erick Salud.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top