Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Visayas quake death toll 158; 374 sugatan

Visayas quake death toll 158; 374 sugatan

UMAKYAT na sa 158 ang patay habang 374 ang sugatan sa naganap na lindol nitong Martes.

Sa ulat ng NDRRMC, nabatid na pinakamarami pa ring namatay ang malapit sa sentro ng lindol sa lalawigan ng Bohol.

Ayon kay PO3 Carl John Legazpi, operations clerk ng provincial office ng Bohol, nasa 145 na ang naitalang namatay sa Bohol.

Bukod dito, 374 ang mga sugatan at may 22 na hindi pa natatagpuan

Kinompirma rin ng NDRRMC na ang mga bayan ng Maribojoc at Loon ay isolated ngayon dahil sa mga landslide na nangyari.

Ayon kay NDRRMC Usec. Eduardo del Rosario, hindi mapuntahan ng rescuers ang nabanggit na lugar dahil sa matinding pinsala ng lindol batay sa kanilang isinagawang assessment.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top