Thursday , April 25 2024

Senior Citizens, pinababayaan ni Brillantes?

Kinondena ng mga nakatatanda sa Novaliches, Quezon City ang patuloy na pagsuway ni Comelec Commissioner Sixto Brillantes sa utos ng Supreme Court (SC)  na iproklama na ang dalawang karapat-dapat na kinatawan ng Senior Citizens party-list para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan sa Kongreso.

Bagamat diniskuwalipika ng Comelec ang Senior Citizens party-list na may dalawang paksiyon, nakakuha pa rin ng 677,642 boto sa halalan noong Mayo 13 kaya iniutos ng SC na iproklama ang dalawang kinatawan ng mga nakatatanda.

“Natapos na ang mga hearing sa dalawang paksiyon at inihayag na ni Brillantes  sa media na mayroon siyang ‘Solomonic solution’ para maiproklama ang dalawang kinatawan ng Senior Citizens pero magpa-Pasko na wala pa rin proklamasyon ang Comelec,” ayon kay Gng. Gloria Victoria ng New Haven Village sa Novaliches.

“Ano ba ang hinihintay ni Brillantes, mangamatay kaming nakatatanda para matauhan siya? Lumalabas tuloy na totoo ang tsismis na nilalakad ng isang Fiscal Sales para maiproklama ang hindi karapat-dapat sa Senior Citizens party-list,” dagdag ni Victoria. “Iyan ba ang matuwid na landas? Hindi niya sinusunod pati ang utos ng Korte Suprema? Dereliction of duty ang ginagawa niya? Naunang umugong na ipoproklama na ng Comelec ang dalawang pangunahing nominee ng dalawang paksiyon na sina Atty. Godofredo Arquiza  at  Francisco Datol, Jr. ngunit inihihirit ni Fiscal Sales na maupo rin ang kaalyado ni Arquiza na si Gng. Milagros Magsaysay kaya bantulot na magproklama si Brillantes sa kung anong dahilan.

“Sana maisip ni Brillantes na dapat may nagbabantay sa mga karapatan naming nakatatanda sa Kongreso lalo’t maraming anomalya ngayon sa gobyerno,” dagdag ni Gng. Victoria. “Naghihintay ba ng isang Janes Napoles sa Comelec si Brillantes para makapagproklama siya sa Senior Citizens party-list?”

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *