Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Santiago malabo sa game 2 (V League Finals)

Santiago malabo sa game 2 (V League Finals)

UMAASA si Smart Maynilad head coach Roger Gorayeb na lalaro pa rin si Dindin Santiago para sa kanyang koponan sa Game 2 ng Shakey’s V League Open Conference finals sa Linggo sa The Arena sa San Juan.

Biglang sumipot si Santiago sa Game 1 noong Martes ngunit natalo pa rin ang Smart kontra Cagayan Valley, 26-24, 25-11, 23-25, 11-25, 15-12.

“Di ko sigurado kung lalaro pa si Dindin dahil aalis ang NU patungong Bacolod para sumali sa UniGames,” wika ni Gorayeb. “Kung papayagan siyang maglaro, masaya kami kasi kung may Game 3, talagang di siya lalaro.”

Bukod sa UniGames, lalaro rin si Santiago para sa NU sa darating na women’s volleyball ng UAAP na magsisimula sa huling linggo ng Nobyembre.

Kung mananalo uli ang Rising Suns, magkakampeon sila nang walang talo sa V League.

Naunang nagkampeon ang Cagayan sa Philippine Super Liga noong Hulyo.

Ang Game 2 ng Shakey’s V League Finals sa Linggo ay mapapanood nang live sa GMA News TV Channel 11.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top