Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Magna cuarta ‘este’ Carta ng mag-utol na Rufus at Maxie Rodriguez, tahasan ang pambabastos sa Bill of Rights ng Philippine Constitution

Magna cuarta ‘este’ Carta ng mag-utol na Rufus at Maxie Rodriguez, tahasan ang pambabastos sa Bill of Rights ng Philippine Constitution

00 Bulabugin JSY
NAKATATAWA naman ang mag-utol na sina Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez at ang utol niyang party-list representative na si Maxie Rodriguez.

Mantakin ninyong imbes tumulong sa pagsusulong ng Freedom of Information Bill (FOI) e naghain pa ng house bill para raw ang mga journalist ay magkaroon ng examination upang maging lehitimo?!

SONABAGAN!!!

Gusto n’yo pa kaming gawing deodorant/pampabango n’yo?!

Kunwari para sa pagtataas ng kalidad ng mga mamamahayag  pero sa katotohanan iyan ay isang uri ng panunupil at panghahati o dibisyon sa hanay ng mga mamamahayag.

Congressman Rufus, Sir, dekano ka na ng batas … baka nalilimutan mo ang Article III Section 4 ng Konstitusyon natin, eto po uulitin ko lang …

Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.

Paki-review na lang po ulit representatives Rufus & Maxie!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top