Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah, muling pumirma sa The Voice PH (Kahit sangkaterba basher…)

Sarah, muling pumirma sa The Voice PH (Kahit sangkaterba basher…)

101713 sarah

MULING pumirma ng kontrata ang Pop Princess na si Sarah Geronimo bilang endorser ng Xtreme Magic Sing. Naganap ang pirmahan kahapon ng tanghali sa Rembrandt Hotel at dumalo rito sina Atty. Gina Lopez (mula sa Viva Artist Agency), ang ina ni Sarah na si Divine Geronimo at Xtreme Magic Sing-The Astra Group, Inc. Senior management Cong. Eric D. Singson, Chairman; Mr. Owen Singson, president/CEO I and Ms. Glenda Gaw, CEO.

Napag-alaman namin mula kay Ms. Gaw na pitong taon na nilang endorser ang dalaga. “And Sarah will be our lifetime endorser,” dagdag naman ni Cong. Singson at iginiit na sila lamang ang may magic sing na may kalidad at much, much better.

Endorser din pala nila si Cong. Manny Pacquiao, at hanggang ngayo’y maganda pa rin ang relasyon nila sa naturang mambabatas. Pero ang main endorser nila ay si Sarah.

Samantala, hindi kami nagkaroon ng pagkakataong matanong si Sarah ukol sa kanyang lovelife dahil off limit ang mga ganoong katanungan kaya naman umikot na lamang ang question and answer sa career ni Sarah na 10 taon na pala sa industriya.

Naibalita nitong muli siyang pumirma bilang isa sa coach sa The Voice of the Philippines season 2. ”Opo, pumirma po uli kami for another season. Masarap maging bahagi ng pangarap ng ibang tao. Kahit mahirap at maraming bash na natanggap, okey lang,” pagbabalita ng dalaga na bukod dito’y magkakaroon ng isang malaking concert sa November, ang Perfect 10.

Ayon kay Sarah, sa 10 taon niya sa industriya, marami siyang natutuhan tulad ng hindi na lamang basta-basta kumakanta o ‘yung bumibirit. ”More than the vocal, kailangan pala tulad ng nasabi noon ni Patti Austin na we should touch people’s heart, hindi ‘yung high notes lang na kailangan mong maabot. Kundi ma-touch mo ‘yung tao sa pagkanta mo. Hindi ‘yung na-hit mo ng tama ang high notes.”

At kung may extreme challenge na hinarap si Sarah na napagtagumpayan ay iyong pangyayari sa The Voice. “Hindi ba recently sa The Voice. It came to a point na napakaraming bashers, pero okey lang, talagang ganoon. Naging masaya naman ako at maraming natutuhan bilang coach. Hindi man nanalo si Klarisse, okey lang. Totoo, nalungkot ako pero part ‘yun ng competition eh. Pero, hindi po ako bitter sa pagkatalo niya! Masaya ako na ‘yung pangarap ni Mr. Mitoy ay natupad niya. There’s a reason kung bakit hindi nanalo si Klarisse.’

Last year pasabog costumes—focus journey jo for d past 10 yrs. guato ko ibalik s talentp ko gusti ko ma apprexiate talebt ko

Ukol naman sa muling pagsasama nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula, ”Nasa planning stage pa rin po kung magkakaroon ng part 4 ang aming tandem ni Lloydie.”

Sa sampung taon ni Sarah sa industriya, natanong ang dalaga kung ano ba ang nais niyang baguhin. Aniya, ”ayokong masyadong isipin, ayokong ipilit dahil kung paano ako tinanggap ng tao gusto ko patuloy pa rin. Sa album ko po ngayon na ‘Expressions’, kung mapapansin n’yo may kaunting pagbabago sa musicality, sa genre. Naalis na ‘yung tipikal na birit o overpower na high notes. Ang importante sa akin ngayon ay maka-relate sa music ko. Mag-grow in some scenes.”

At nang matanong kung ano ang natutuhan niya bilang artist sa loob ng sampung taon, “dati masyado akong concern…parang paranoid pagdating sa teknikal, nawawala na ‘yung puso sa pagkanta, birit ako ng birit kasi iyon ang dating uso kumbaga. Pero ngayon natutuhan ko na dapat always sing from the heart to be an effective singer.”

Sa kabilang banda, ineendoso ni Sarah ang Xtreme Diamond HD at Xtreme Platinum HD ang mga disenyo ng Magic Sing HD videoke technology na ine-enjoy na sa USA, Japan, at Korea. Ang Xtreme Magic Sing HD daw kasi ang most user-friendly portable videoke microphone. Ang Diamond HD pala ay may 2627 built-in songs (includes hit song Gangnam Style & songs nina Adele, Rhianna, maroon 5, etch plus 829 OPM favorites), mayroon ding 4 song chip slots to expland your library of songs and USB flash drive at HDD compatible for customized contents. Ang Platinum HD naman ay mayroong 2,500 built-in songs at over 800 OPM favorites.

Kaya ano pa ng hinihintay n’yo, kung gusto ninyong maging katulad ni Sarah na mahusay na singer, buy na kayo ng Xtreme Magic Sing na siyang ginagamit ni Sarah sa kanyang pagpa-practice sa pagkanta.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top