Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-uutol patay 100 bahay naabo sa Maguindanao

Mag-uutol patay 100 bahay naabo sa Maguindanao

PATAY ang magkakapatid habang 100 bahay ang naabo sa naganap na sunog sa Brgy. Taviran, Datu Odin, Sinsuat, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng magkakapatid na sina Bailingga Benito, 25; Baiculot Benito, 18; at Baishirca Benito, 15-anyos.

Sa ulat ng pulisya, bigla na lamang lumiyab ang malaking apoy sa nasabing barangay pagkatapos ng brownout.

Hirap pumasok ang mga bombero sa nasunugang lugar dahil makipot ang kalsada kaya hindi na nagawang masagip ang mga biktima na na-trap sa loob ng kanilang bahay.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection sa lalawigan ng Maguindanao ang dahilan ng naturang sunog. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top