Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Katakot-takot na illegal na patiket ng mga corrupt na teachers sa Silangan National High School

Katakot-takot na illegal na patiket ng mga corrupt na teachers sa Silangan National High School

00 Bulabugin JSY
BUKOD sa mga abusado at manyakol na teachers sa Silangan National High School sa San Mateo, Rizal hindi rin matapos-tapos ang mga RAKET na TICKETS dito.

Sa kasalukuyan, mayroon silang Mr. & Ms. Silangan 2013 contest.

Ang bawat contestant ay may quota na makapagbenta ng worth P500 tickets.

Umabot sa 30 estudyante ang lumahok sa contest at nakalikom nang higit sa P500 quota sa tickets.

Malinaw na malinaw sa memorandum ng Department of Education (DepEd) ang pagbabawal sa ano mang uri ng aktibidad na pinagagastos ang mga estudyante lalo na sa mga pampublikong paaralan.

Pero sa Silangan National High School, bawat ‘OKASYON’ yata ay nagagawan ng RAKET na RAFFLE TICKET ng mga RACKETEER na TEACHERS.

Dr. Ricardo Vergara, wala ka bang ginagawa d’yan kundi magpakaang-kaang lang?!

KUMILOS ka naman  at sandamakmak na ang kailegalan d’yan sa eskwelahan na pinamumunuan mo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top