Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Cabagnot: Baka bukas ako maglaro

Cabagnot: Baka bukas ako maglaro

HINDI nakapaglaro ang point guard ng Petron Blaze na si Alex Cabagnot sa Game 3 ng PBA Governors’ Cup Finals dahil sa pilay sa kanyang paa.

Napilay si Cabagnot nang aksidente niyang natapakan si Mark Barroca ng San Mig Coffee sa mga huling segundo ng Game 2 noong Linggo.

“I played through it. Syempre adrenaline rush na yun noon pero after the game, dun ko na naramdaman. Pero I hope to be back on Friday (bukas) for Game Four,” wika ni Cabagnot.

Bukod kay Cabagnot, pilay din si Chico Lanete kaya si Denok Miranda na lang ang natitirang point guard ng Boosters kung hindi gagamitin ni coach Gee Abanilla si Paolo Hubalde.

“Knowing my teammates, I know they will play harder. They always do. I have no doubts about that,” ani Cabagnot.        (James Ty III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top