Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Huwag iinom nang sobra kung may importanteng lakad kinabukasan. Uminom lamang ng katamtaman.

Taurus  (May 13-June 21) Hindi mo maipaliwanag kung gaano ka kasaya ngayon. Hiling mong hindi na ito matapos pa.

Gemini  (June 21-July 20) May biglaang pagtitipon na magaganap sa inyong komunidad. Ito ay tungkol sa tsismis na iyong ikaiirita.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Mahihirapan ka sa pansamantalang paghiwalay sa iyo ng mahal sa buhay.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Magigising kang matamlay ngayon at walang balak na gawing ano pa man.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Mahihirapan kang mag-focus sa iyong ginagawa ngayon. Ang iyong isip ay naglalakbay.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Sinabi ng isang tao na hindi ka yayaman. Ngunit nagkakamali siya dahil mayaman ka sa mga kaibigan.

Scorpio  (Nov. 23-29) Ang romantic partner ay higit na concern sa kanyang negosyo kaysa sa iyo ngayon.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Masigla ang iyong pakiramdam ngayon, malusog at malakas. Maaaring makaya mo ang ano mang mabigat na gawain.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Kung plano mong magkasarilinan kayo ng iyong partner ay posibleng hindi ito mangyari ngayon dahil mayroon siyang mahalagang inaasikaso.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Maaaring maging masayang lugar ang inyong bahay ngayon. Magkakaroon ng magandang kwentuhan ang pamilya kasama ng mga bisita.

Pisces  (March 11-April 18) Sa dami ng iyong mga gawain sa bahay, hindi mo alam kung alin ang uunahin.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maraming mga taong kailangan mong harapin. Lahat sila ay nagmamadali sa kanilang transaksyon.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top