Monday , November 17 2025

8 malalaking pakarera sa huling bahagi ng 2013

Sa huling tatlong buwan ng taon 2013 walong malalaking pakarera ang nakatakdang ilunsad sa tatlong karerahan sa bansa.

Sa darating na Oktubre 20 ay  ilulunsad sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ang tagapangasiwa ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ang 4th Leg Juvenile Stakes race at Sampaguita Stakes race.

Ang 4th Leg Juvenile ay paglalabanan ng Colts at Fillies division na kapwa may papremyong P1.5 milyon na sinasabing final leg ng pakarera para sa 2 year old na mananakbong lokal.

Susundan naman ito sa Oktubre 27 ng Sampaguita Stakes race sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas na may papremyong P1.5 Milyon na paglalabanan ng 3 year old.

Sa Nobyembre 10 ay  bibitawan naman ang Philracom Grand Sprint Championship sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite na may papremyong P1 milyon para sa distansiyang 1,000 meter.

Ang naturang pakarera ay bukas sa lahat ng local horses.

Sa Nobyembre 17 ay hindi pa alam kung magkakaharap ang Hagdang Bato at Crusis sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Cup na gaganapin sa Metro Turf sa Malvar,Batangas.

Naghihintay ang P2 milyon papremyo para sa 2,000 meter na pakarera.  Ayon sa huling balita, nagdadalawang isip pa si Mayor Benhur Abalos kung isasali sa Cojuangco Cup ang kanyang alagang si Hagdang Bato.

Ang Cojuangco Cup ay bukas para sa 4 year old imported at local runners.

Hindi doon natatapos ang execitement sa karera dahil ihahandog naman ng Marho ang kanilang pakarera sa Nobyembre 24 sa Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ang tagapamahala ng Santa Ana Park sa Naic,Cavite.

Disyembre 8, ilulunsad naman ng Philtobo ang kanilang pakarera sa MMTC.  Wala pang petsa ang Presidential Gold Cup na gaganapin sa buwan ng Disyembre subalit ang Grand

Derby ng Philiracom ay gaganapin sa Disyembre 21, sa PRCI ng Santa Ana Park.  Ang nasabing pakarera ay may papremyong P1 milyon para sa 3 year old local horses.

Ni andy yabot

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …