Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tuesday Vargas, bilib kina Ogie at Gelli (Tampok sa Rated: SPG sa Zirkoh comedy bar ngayong Sabado)

Tuesday Vargas, bilib kina Ogie at Gelli (Tampok sa Rated: SPG sa Zirkoh comedy bar ngayong Sabado)

TODO-BIGAY lagi ang komed-yanang si Tuesday Vargas sa bawat performance na ginagawa niya. Gusto niya ka-sing suklian ng walang kapantay na saya ang mga tumatangkilik sa mga tulad niyang performer.

Kaya naman aminado si Tuesday na mataas ang respeto niya sa mga nakakasamang komedyante. Kabilang dito sina Ogie Alcasid at Gelli de Belen na tampok sa bagong gag show ng TV5 na may titulong Tropa Mo Ko, Unli.

“Opo, napakataas po ng respeto ko sa kanila, mahuhusay na ay mababait na tao pa. Napakasuwerte ko at naging katrabaho ko sila,” esplika ni Tuesday.

Idinagdag pa ni-yang nagsisilbing ins-pirasyon sa kanya na makasama sa show ang mga batikang performers sa industriya sa kanilang bagong show.

“Napaka-challenging gumawa ng materyal na bago sa panlasa ng manonood at gawin pa ito nang LIVE ay ubod nang hirap. Pero napakasaya po dahil nakaka-inspire katrabaho ang mga mahuhusay sa industriya at ang mga kabataang bagama’t baguhan ay malaki ang potential sa pag-perform.

“Ang Tropa Mo Ko, Unli” ay isang masaya at mahusay na grupo ng mga artista na nagsama-sama para buuin ang palabas na magbibigay-ligaya sa viewers.”

Sinabi rin niyang challenging para sa mga tulad niya ang mag-perform sa live audience.  “Live shows are so difficult to pull off but are the most rewarding. Instant ang gratification, natututo kang makiramdam sa pulso ng tao at ng co-actors mo at bumibilis ang isip mo sa pag-formulate ng punchline. Kaya super na nag-e-enjoy po ako sa live shows.”

Samantala, bukod sa pelikula at TV ay humahataw din ang versatile na comedienne sa live shows tulad sa Zirkoh. Isa si Tuesday na tampok sa RATED: SPG o SOBRANG PATAWA at GALING SA KOMEDYA sa Zirkoh sa Oct. 19, Sabado . Kasama rito ni Tuesday sina Gladys Guevarra, Ate Gay, Joy Viado, Roy & Ver (D PakYaw Duet na parang Jose at Wally ang peg).

Nandiyan din ang pampa-kilig na Mr. Pogi Grand Winner ng Eat Bulaga na si John Edric Ulang at ang1:43 sa hit song na Sa Isang Sulyap Mo. Tampok din dito sina Clifford Allen Estrala, Mikoy Morales, ang comebacking singer na si Tyrone Oneza na da-ting member ng That’s Entertainment, Martina Ona, Nathan Francisco, Cherry Mendoza at Engr. Roweo Tecson.

Mabibili ang tikets sa Zirkoh Bar Tomas Morato , SM Tickets (https://www.smtickets.com/marketing/view/1765 ) at tumawag sa 7100352 at 09473835131 para sa iba pang detalye. Ito’y sa direksiyon ni Leklek Tumalad.

Angelica  na-Trauma  sa lindol sa Bohol

ISA ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa nakaranas ng 7.2 kalakas na lindol sa Bohol kahapon ng umaga. Nasa Bohol si Angelica nang maganap ang lindol, ngunit hindi naman daw siya nasaktan sa nangyaring trahedya sa naturang lalawigan.

Mababasa sa post niya sa kanyang Instagram ito: “Pray for Bohol… Pray for our safety … Hindi na matanggal sa isip namin ang nangyari ngayong umaga. Sana tumigil na nga ang aftershocks.

“Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag akala mo magpapaalam ka na sa mundo. Pero safe naman na raw kami. Sana tuloy-tuloy na. God bless Philippines.”

Samantala, maraming mga taga-showbiz ang nagpaha-yag ng pakikiramay at panala-ngin para sa mga napinsala ng lindol. Kabilang dito sina Sharon Cuneta, Sunshine Cruz, Kim Chiu, Anne Curtis, Agot Isidro, Assunta de Rossi, at iba pa.

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top