Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Trike driver dedo, 3 malubha sa adik

Trike driver dedo, 3 malubha sa adik

ISANG tricycle driver ang namatay habang malubhang nasu-gatan ang tatlong iba pa nang pagbabarilin ng isang adik sa isang lamayan ng patay sa Caloocan City kahapon ng mada-ling araw.

Dead on the spot ang biktimang si Cesar Todilla, 44-anyos, ng Pama-Sawata, Brgy. 28 sa nasabing lungsod sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan.

Dinala sa Caloocan City Medical Center (CCMC)  ang magkapatid na sina Cesar 13, at August Sanchez, 18-anyos at Ryan Bonaobra na pawang tinamaan sa iba’t ibang ng katawan at paa pawang kalugar ng biktimang namatay.

Isang alyas Kulit ang pinaghahanap ng mga awtoridad na sinabing nag-trip kaya pinagbabaril ang mga nakikipaglamay sa namatay na kapitbahay.

Sa ulat dakong 1:00 ng madaling araw, nagsusugal ang mga biktima nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top