Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Megan Young tumayong breadwinner ng pamilya

Megan Young tumayong breadwinner ng pamilya

(Kaya pala pinagpapalaHINDI man siya naging big star sa showbiz ay mas matindi pa ang kasikatan ngayon ni Megan Young nang tanghalin bilang kauna-unang Miss World na Pinay. Kaya naman very blessed talaga si Megan ng ‘Itaas’ ay dahil matagal na siyang breadwinner ng kanyang pamilya. Ibinuko ng gay brother ni Megan sa isang interview kung gaano siya kabait. Ang kapatid raw ang nagbabayad ng lahat ng kanilang bills sa bahay at sagot pa ang kanilang pag-aaral. Pati ang mommy ni Megan na si Vicky ay sobrang hanga sa daughter na hindi lang raw maganda kundi mabait na bata. Kaya naman tuwing Mother’s Day ay mas una niya itong binabati kasi si Megan na nga ang tumayong padre de familia nila sa bahay.

Sabagay, kitang-kita naman na may mabuting kalooban talaga ang nasabing Miss World dahil priority niya ngayon ang tumulong hindi lang dito sa Pinas kundi sa iba’t ibang bansa para mapakain at mapainom ng malinis na tubig ang mga nagugutom doon. Binigyan din ng oras ni Megan ang sarili para madalaw ang mga batang pasyente sa Philippine General Hospital (PGH). Isa sa mga bansang nakatakdang puntahan ng sikat na beauty queen ay ang Kenya para dalawin ang malnourished na mga bata. Paborito rin itong bisitahin ng Hollywood actress na si Angelina Jolie.

Mga good-samaritan gyud!

CAST NG “SHE’S THE ONE” MAINIT NA TINANGGAP NG FANS, PELIKULA PALABAS NA OVER 120 CINEMAS

Naging mainit ang pagtanggap ng mga taong dumagsa at nanoood ng mall shows sa cast ng “She’s The One” na sina Dingdong Dantes, Bea Alonzo at Enrique Gil. Kitang-kita ang kilig ng crowd kina Dingdong at Enrique at s’yempre pinagkagulohan rin si Bea ng hukbo-hukbo niyang fans na supporter ng actress sa lahat ng kanyang project sa ABS CBN. Naging SRO rin ang parehong Premiere Night ng movie sa SM Megamall last October 14 at October 15 sa SM Cebu at SM Consolacion. Sa ganda at lakas ng feedback sa mga nabanggit na artista ng “She’s The One” na bagong handog na pelikula ng Star Cinema na part pa rin sa celebration ng 20th Anniversary ng No.1 movie outfit ay nangangamoy box office na ito sa takilya.

Umiikot ang istorya nito tungkol sa friendship at love. Majority ng scenes ng tatlo (Dong, Bea at Enrique) ay kikiligin kayo lalo na sa kissing scenes ni Bea with Dong and Enrique. Magaan rin dalhin sa dibdib ang mga drama scenes sa nabanggit na romantic comedy movie na itinuturing na biggest event movie of the year ng Star Cinema na idinirek ng kilalang love story director na si Mae Czarina Cruz at mula sa mahusay na panulat nina Charlene Sawit-Esguerra, Anton C. Santamaria, at Roumella Nina Monge. Perfect casting kung ituring ng tatlo sina Bea, Enrique at Dingdong sa fresh and exciting concept nila sa ipinagmalalaking project. Nasa cast rin ang alaga ng Star Magic na It Girl o Next Teen Leading-lady na si Liza Soberano. Sugod na agad-agad sa mga sinehan dahil ngayong araw na ang Grand Opening day ng “She’s The One” sa over 120 Cinemas nationwide. Si Ser Chief or Richard Yap pala ang kumanta ng themesong ng movie na “Don’t Know What To Do” na included sa album ng actor-singer under Star Records.

MAAGANG PAMASKO NI BOSSING AT NG EAT BULAGA SA STUDIO AUDIENCE

Oktubre pa lang pero HATAW na si Bossing Vic Sotto at ang Eat Bulaga sa pamimigay ng Pamasko sa kanilang mga studio audience na madaling araw pa lang ay todo-pila na para makakuha ng grasya mula sa paborito nilang noontime variety show. Tuwing Sabado, ay namimili si Bossing at ang staff ng Bulaga sa pagkakalooban nila ng blessing. ‘Yung priority nila rito ay ‘yung mga sobrang hikahos talaga sa buhay na nangangailangan talaga ng tulong.

Last Saturday ay si Ginang Jirelyn Alcoran ng Candelaria, Quezon ang mapalad na tinawag ni Bossing para bigyan ng pa-birthday, pamasko hanggang pambagong taon nila ng mga anak. Buong pusong ipinagkaloob ni Bossing ang lahat para sa Inang labis na nagmamahal sa kanyang mga anak. Bukod sa cash ay binigyan rin si Jirelyn ng grocery items mula sa Puregold.

Abangan sa Sabado ang studio audience na mabibiyayaan ng Maagang Pamasko.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top