Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Karuhatan market admin utas sa bala

Karuhatan market admin utas sa bala

PATAY ang isang market administrator matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang naniningil ng renta sa loob ng isang palengke sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Patay agad ang biktimang kinilalang si Juliana Lopez, 42-anyos, residente ng Cristobal, St., Brgy. Karuhatan ng na-sabing lungsod sanhi ng isang tama ng bala nang hindi nabatid na kalibre ng baril sa likurang bahagi ng ulo na tumagos sa mukha.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ang hindi naki-lalang suspek na  mabilis tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong 4:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Karuhatan Public Market ng lungsod.

Nag-iikot umano para maningil ng arawang upa sa mga puwesto sa palengke ang biktima nang malapitang barilin sa likod ng hindi nakilalang suspek na mabilis rin tumakas.

Sinisilip ng mga awtoridad kung may kaugnayan sa trabaho bilang market administrator ang pagpatay kay Lopez.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top