Wednesday , September 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ang power ni alias Jun Buhol sa DoJ at BI (Little Justice Secretary?)

Ang power ni alias Jun Buhol sa DoJ at BI (Little Justice Secretary?)

00 Bulabugin JSY
‘YAN po ang malakas na bulong-bulungan ngayon sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration(BI).

Si alias JUN BUHOL ay napakalakas at bagyo sa Department of Justiis éste’ Justice (DoJ).

Siya nga raw ang “little DOJ Secretary?”

Ang sabi nga ‘e … “what Buhol wants, Buhol gets!”

Whoa, bagyong-bagyo pala talaga sa lakas.

Kaya naman daw walang PALTOS ang lahat ng mga ipinalalakad niya.

Si alias Buhol daw ang right konek sa mga malalaking kaso sa DOJ.

At siyempre ganun din daw sa BI, mula sa LIFTING ng blacklist, extension visa, 9g visa, retirees etc.

Father and son tandem pa nga raw ang TIRADA/DRAMA ni alias Buhol.

Ang anak daw niya ang ginagawa niyang LIAISON ‘este’ sangkalan sa DOJ hanggang sa BI.

By the way, ‘yun utol daw nitong si alias Buhol ang right konek-person naman sa Ombudsman.

All-in one pala ang tropang ito!?

Hmmnnn … NO WONDER na mayroong isang Immigration official na imbes kasuhan ay ‘inalo-alo’ lang matapos siyang ireklamo ng isa pang dating opisyal sa Ombudsman.

ALAM na kaya ni SoJ Leila de Lima ang mga ops ni alias Jun Buhol!?

Just asking lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top