Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tintin, gusting mag-adopt ng twins

Tintin, gusting mag-adopt ng twins

SA dalawang host ng Face The People na sina Tintin Bersola at Gelli de Belen ay inamin ng una na mas madaldal ang huli.

“Mas madaldal siya (Gelli) kasi ‘pag taping, Ipini-preserve ko ang energy ko kasi madali akong mapaos, kaya kapag taping, less talk ako.

“Kaya ‘pag on-cam may energy ako or else sa kakatsika ko sa lahat ng tao, for sure paos na ako kaya nagbabasa na lang ako ng book.

“Ito (sabay turo kay Gelli) naririnig ko sa hallway, ‘o ano  a, kailan tayo mag-start ng taping, ganoon baklang-bakla’,” kuwento ni Tintin.

At magkasundo raw ang dalawa dahil pareho silang Backroom talents, “nagkikita kami ‘pag birthday ni Tito Boy (Abunda), basta may Backroom events.

“At saka ‘yung boyfriend niyang una (Raymart Santiago), nakikita ko na siya sa taping ng ‘Tropang Trumpo’,” pambubuking ni Tintin kay Gelli.

Samantala, sa edad na 43 ay hindi na magkakaanak si Tintin dahil, “difficult pregnancy na, kaya baka mag-adopt na lang kami ng twins, Angelina Jolie lang ang peg.

“Siyempre paglaki ni Anya, para saan pa ‘yung bahay kasi baka mag-aral pa ‘yan abroad, mag-ala KC (Concepcion) pa,” sabi ni Tintin.

‘Di pabor kay Robin Padilla

Sa kabilang banda, hindi pabor ang Face The People host sa sinabi ni Robin Padilla na mag-resign ang lahat ng senador na sangkot sa pork barrel scam.

“For now, habang iniimbestigahan, siguro mag-on leave, courtesy leave. Kasi ‘di ba sa ibang bansa ganoon, basta na-involve na ang name nila, they’re go on courtesy leave habang iniimbestigahan para malinis, walang bahid, hindi naman resigned, leave lang.

“’Di ba ganoon din sa ordinary worker, kapag may kasalanan tayo, sinu-suspend tayo, so parang ganoon lang. Kaya i-suspend lang o sila mismo ang magkusa to go on leave first while the trial is on going,” say sa amin.

Nakagugulat na masyadong vocal si Tintin sa saloobin niya tungkol sa nangyayari ngayon sa pork barrel scam kaya natanong siya kung hindi ba siya nag-aalala na baka balikan siya?

“Hindi naman, kasi si Julius (Babao), ang daming (ibinunyag), may ‘Bistado’, may ‘XXX’ dati, pero wala ‘yang bodyguard kasi naniniwala kami na kung oras mo na, oras mo na talaga, ang importante, you have to make a stand,” mabilis nitong sagot.

Crush ng asawang si Julius si Megan

On a lighter side ay pinagtawanan lang ni Tintin nang tanungin siya kung nagseselos siya sa asawa niyang si Julius ng aminin nitong crush niya si Megan Young na nanalong Miss World 2013?

“Ha, ha, ha, ha, hindi, lahat naman ng maganda, nagagandahan siya, ha, ha, ha. Pero ako pa rin ang huli, ako pa rin ang Miss Universe, ako ang Miss Galaxy niya, Miss Forever niya ako.

“Natutuwa nga ako, and it’s healthy for a married couple to have so many crushes, ako may Hugh Jackman ako,” at sinundot namin ng tanong na, ‘imposible kasi ‘yung crush mo kasi taga-ibang bansa, si Julius sa ‘Pinas lang’

“Eh, para lang naman siyang tatay na lang ni Megan, ha, ha, ha, ha,” panglalaglag ni Tintin sa asawa, kaloka.

Finding the soulmate as partner

Sampung taon ng mag-asawa sina Tintin at Julius sa Disyembre 8 kaya’t natanong ang TV host kung paano sila magse-celebrate, “baka umalis kami (ibang bansa).”

Ano naman ang regalo niya sa asawa?

“Hmm, marami, sex? ‘Yun ang secret kaya 10 years na, ha, ha, ha patawa lang ‘yan ha,” tumatawang sabi.

“Seriously, I have three formula na nag-work sa amin ni Julius. Ano, extreme love for each other, ‘pareho kami ng vision sa buhay na pagtanda namin, mawala man ‘yung romance, nawawala ‘yan, ‘di ba, ‘yung sex kasi tatanda na kami, nakikita n’yo dapat that you will grow old together, travelling the world together at hindi kami nag-aaway sa pera kahit sa in-laws.

“Bihirang-bihira kaming mag-away kasi magkasundong-magkasundo talaga kami kaya ang secret is find your soulmate,” pagsi-share ni Tintin ng sikreto nilang mag-asawa.

Akala ng lahat ay hindi na nagkikita o wala ng oras ang mag-asawa dahil magkasalungat ang oras nila sa kani-kanilang mga programa.

“Akala nila walang time si Julius, mayroong time, ganito, mag-GMC (‘Good Morning Club’) ako ng 5:00 a.m., uuwi ako ng 9:00 a.m. gigisingin ko siya tapos sabay kami mag-breakfast. Pupunta siya ng DZMM ng 11:00 a.m. to 12:30.  Uuwi siya magla-lunch kami together, then gumising na ako, kasi nagsisiyesta ako kasi nga ang aga ko nagising. After lunch, aalis, gagawa ng ‘Bistado’. Dinner magkikita kami, kakain kami or manonood ng sine, after niyon, hatid ko siya sa ‘Bandila’, pag-uwi niya from ‘Bandila’ mag-e-exercise siya, aakyat ng kuwarto 2:30 a.m., ako gigising ng 3:30 a.m., overlap, pero nakapag-date na kami, nakapag-dinner na kami, nakapag-lunch pa kami,” kuwento pa.

At ang oras ng sexlife nila ni Julius?

“Magandang tanong ‘yan?  Puwedeng afternoon delight, ha, ha, ha, puwedeng madaling araw ha, ha. Tandaan ninyo, wala akong show pag-weekends, oh,” humalakhak na sagot sa amin.

Regggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top