Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Isa pang Napoles sa Bureau of Internal Revenue (BIR)

Isa pang Napoles sa Bureau of Internal Revenue (BIR)

00 Bulabugin JSY

HANGGANG ngayon ay namamayagpag pa rin ang isang BIR Regional Director na kung tawagin ay alyas “Nakamora.”

‘Yan daw si Nakamora, tatlong taon lang lumobo na ang yaman! Hindi man lang kaya namo-MONITOR ng DoF-RIPS & Ombudsman ‘yan?!

Tatlong taon nga raw ang nakararaan, nasa probinsiya pa lang si regional director ng BIR. Napakasimple umano ng kanyang buhay.

Kabilang pa nga raw si alyas “HUDAS NAKAMORA” sa mga sinasabing opisyal ng gobyerno na namumuhay nang naaayon sa kanyang  kakayanan at batay sa kung magkano ang sinusweldo niya mula sa gobyerno.

Kumbaga, ‘MALINIS’ pang namumuhay noong araw si ‘NAKAMORA.’

At ‘yun nga raw, dahil ang SLOGAN ni Pangulong Noynoy ay ‘DAANG MATUWAD este MATUWID,’ kaya napili niyang ‘IPAKAON’ sa probinsiya si alyas NAKAMORA at itinalaga siyang Regional Director (RD) ng BIR.

Pero mukhang hindi nakabuti kay NAKAMORA ka yang pagkakatalaga ni PNOY.

Mukhang maagang ‘NASILAW’ sa power and money si NAKAMORA kaya tatlong taon lang ay naging kagulat-gulat ang kanyang yaman.

Ang pag-aari niyang properties sa isang posh subdivision sa Cainta ay corner to corner na ngayon.

‘E paano ba naman, wala nang ginawa si BIR RD alias ‘Hudas Nakamora’ kundi ang bumili nang bumili ng mga properties na ibinebenta sa nasabing posh subdivision.

At gaya ni NAPOLES, mayroon na siya ngayong  sariling banko sa loob ng bahay …

Mukhang ‘yung KWARTO ng kanyang napakagarang bahay  ang safety vault para maging imbakan ng kuwarta!

Hindi ba ipag-uutos utos ni PNOY ang lifestyle check sa mga BIR OFFICIALS?! Bakit Customs officials lang ang ipinasasailalim sa lifestyle check?

No wonder kung bakit hanggang ngayon ay LUSOT pa rin sa NAKAMORA ng BIR.

LUSOT na LUSOT lang sa lifestyle check.

‘Di ba, Madam KIM HENARES?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top