Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kristoffer, made na! (Malaking billboard, nakabalandra sa EDSA)

Kristoffer, made na! (Malaking billboard, nakabalandra sa EDSA)

MADE na talaga si Kristoffer Martin dahil  kitang-kita sa EDSA ang billboard na kasama niya sina Julie Ann San Jose at Lucho Ayala para sa isang serye. Isa na siyang ganap na Primetime leading man ng Kapuso Network.

Kamakailan ay tumanggap din si Kristoffer ng parangal kasama sina Derrick Monasterio at Charee Pineda bilang young Filipino Achievers sa Golden Globe Annual Awards for Business Excellence 2013 na ginanap sa Manila Hotel.

“I’m thankful! Siyempre una kay Lord at thank you sa Golden Globe for acknowledging us sa field namin which is Arts and Entertainment. It will serve as an inspiration to me to do more and to push myself even harder,” bulalas ng young actor.

Bukod dito, natutuwa si Kristoffer dahil tanggap ng televiewers ang bagong tambalan nila ni Julie Anne kahit experimental ‘yung kanilang soap.

“Sobrang nakatataba ng puso. Nababasa ko sa Twitter at sa mga diyaryo na maganda nga ‘yung reviews at pati feedbacks ng mga tao. Nahu-hook daw sila roon sa soap,” reaksiyon niya.

Naniniwala si Kristoffer na malaking bentahe ang  istorya ng serye.

“Ang pinakapuhunan kasi namin, ‘yung soap, eh. Iyon ‘yung mamahalin ng tao. Hindi naman ‘yung bilang kami as loveteam. At saka ‘yung mga character namin bilang sina Leandro at Pauleen,” sey pa niya.

Alden, ‘di nabago at posibleng sumunod sa yapak ni Dingdong

ROCCO, DERICK, KRISTOFFER, AT ENZO, MAY MGA ATTITUDE NA!

SENTRO ng usapan sa isang kumpulan ng mga movie writer ang mga leading men ngKapuso network na sina Alden Richards, Rocco Nacino, Derick Monasterio,Kristoffer Martin, at Enzo Pineda.

Bagamat pinakasikat sa mga nabanggit si Alden, puro positive ang maririnig ‘pag pinag-uusapan ng writers. Hindi siya nagbabago. Angat ang PR niya sa lahat. Madaling i-approach at willing magpa-interview basta may time.

Hindi raw nararamdaman ito sa mga kasabayan niya. Sa ngayon, may reklamo na kaming naririnig sa mga katoto gaya ni Kristoffer na naging primetime leading man sa isang serye ay pinaghintay daw ang mga press na nag-approach sa kanya para interbyuhin. Parang wala na raw ito sa mood na willing magpa-interbyu. Kailangang i-text pa ang kanyang manager na lumabas sa dressing room dahil pinaghihintay niya ang mga ito.

Ano ito, may attitude agad si Kristoffer?

Ganyan din ang narinig naming reklamo kay Rocco. Ang laki na raw ng ipinagbago nito. Minsan daw ay lumabas ito para magsigarilyo. Nilapitan siya ng isang writer na dating malapit sa kanya para interbyuhin. ”Sandali, “ ang sagot niya pero hindi na raw siya binalikan.

Si Derick, nagbago na rin. Dati ay visible na nagpupunta sa mga birthday parties ng mga malalapit niyang kaibigan sa press pero ngayon ay tamad na tamad na raw. Nag-a-alibi na may taping kahit wala naman pala. Ibang-iba na rin daw ang asal nito kompara noong nagsisimula pa lang.

Si Enzo naman ay nagka-attitude na  kesyo manood  na lang daw sa isang talk show dahil doon siya magsasalita. Kainitan daw ‘yan noong  kahihiwalay nila ni Louise Delos Reyes. Kaya ngayon, never na raw siya pinag-aaksayahang interbyuhin ng isang reporter.

Kung ganyan ang maririnig sa mga leading men na ito, hindi kami magtataka kung malampasan sila nang milya-milya ni Alden  na puwedeng sumunod sa yapak ng tinaguriang nag-iisang Primetime King ng GMA 7 na si Dingdong Dantes.

Wagi talaga ang PR ni Alden at darling of the press, huh!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top