Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kahit noon pinagbibintangan niya akong may boyfriend…paulit-ulit na sinasabing boldstar ako — Sunshine

Kahit noon pinagbibintangan niya akong may boyfriend…paulit-ulit na sinasabing boldstar ako — Sunshine

“SIGURO ang kasunod na talagang mangyayari sa amin ay annulment. Kasi na-realize ko na rin naman na hindi na kami talagang magkakasundo. Mahabang panahon din naman akong nagtiis. Mahabang panahon din naman ang aking sakripisyo. Kailangang itago ko ang lahat ng problema namin noong panahon ng aming pagsasama. Kahit noon naman pinagbibintangan niya akong may ibang boyfriend. Kahit noon paulit-ulit niyang sinasabi na ako raw ay bold star,” ang sabi ni Sunshine Cruz na halata mong hanggang ngayon ay masama ang loob sa kanyang asawang siCesar Montano.

Sinabi pa ni Sunshine na noong umalis nga raw siya sa kanilang tahanan earlier this year, talagang buo na sa isip niyang makikipaghiwalay na siya nang tuluyan kay Cesar.

“Noon, basta umaalis ako kung nag-aaway kami, uuwi lang ako sa parents ko, hindi ako kikibo dahil umaasa pa akong darating siya, susunduin niya kami ng mga anak niya at magsasama kaming muli. Pero this time iba na talaga ang naramdaman ko. Ayoko nang makisama pa sa kanya,” ang diretsong sabi pa ni Sunshine sa amin nang makausap siya pagkatapos ng launching niya bilang endorser ng isang cosmetics.

“Pinagbintangan pa niya akong may boyfriend. Hindi ko inisip iyon dahil ang totoo ang naisip ko lang tapusin na kung ano man ang problema ng aming pagsasama. Ayoko na talaga eh, kasi ang feeling ko napakahaba na rin naman ng sakripisyo ko. Hindi masasabing hindi ko naisip ang damdamin ng aking mga anak. Oo, alam mo na makakadama sila ng sakit sa paghihiwalay namin ng daddy nila, pero alam ko nai-intindihan nila ako, at okey lang iyon sa kanila. After all, nakikita naman nila kung ano ang naging buhay ko noon. Nagtiis din ako dahil sa kanila, pero ang feeling ko ngayon talagang sobra na eh. Kaya nga tinapos ko na. Wala akong boyfriend, alam naman ninyo iyan. Pero sasabihin ko sa inyo, puwede ko ring gawin iyon pagdating ng araw, kahit na ang talagang plano ko ay tama na at mamuhay na lang na mag-isa. Palalakihin ko na lang ang mga anak ko,” sabi pa ni Sunshine.

Sa takbo ng naging kuwentuhan namin ng aktres, mukha ngang malabo na silang magkabalikan pa ng kanyang asawa.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top