Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bianca Manalo, pinaratangang “Bilmoko Girl” ni John Prats

Bianca Manalo, pinaratangang “Bilmoko Girl” ni John Prats

MATAGAL na panahon na rin hiwalay sina Bianca Manalo at John Prats. Pareho na rin may kanya-kanyang lovelife ang dalawa. Si John ay years na rin ang relasyon sa actress na si Isabel Oli at may non-showbiz bf naman si Bianca. Kaya lang ang hindi maganda kung si Bianca ay tahimik na at obyus na nakapag-moved on na, si John parang affected pa rin hanggang ngayon sa nangyari sa kanila ng ex na beauty queen turned actress. May dialogue kasi ang dancer-actor sa latest interview sa kanya na kaya mahal na mahal niya si Isabel ay dahil hindi ito bilmoko. Di ba? Noong sila pa ni Bianca ay may mga lumalabas ng balita na maluho umano ang said actress. So malinaw na siya nga ang pinatatamaan ni John at hindi ang isa pang ex na si Rachelle Ann Go. Saka tama ba namang ipagsigawan pa na dalawang beses niyang pakakasalan si Isabel? Kung talagang masaya ang actor dapat manahimik na siya ‘no! Kasi kawawa naman si Bianca kung lagi niyang idadawit sa kanyang mga panayam.

Dapat lang gyud!

DJ Jhaiho Ng MOR 101.9 FOR LIFE Agaw Pansin Sa Kanyang  Sunday Showbiz Program

Wala kaming masabi sa aming kaibigang Gay DJ ng MOR 101.9 for Life FM na si Jhaiho. Before, sa maliliit na venue lang siya nagho-host ng iba’t ibang event. Aba! Ngayon aside sa sikat niyang Sunday sfternoon showbiz program sa nasabing FM Station ng ABS-CBN na nang-aagaw talaga ng pansin ang boses sa mga listener dito sa Mega Manila, nakikipagsabayan na rin si DJ Jhaiho sa mga sikat nating celebrity at artists na ipinakita niya sa nakaraang Grand Kapamilya Weekend sa libreng pa-concert ng MOR na part pa rin ng selebrasyon ng 60th Anniversary ng ABS-CBN sa mundo ng telebisyon. Ang husay niya sa hosting at pagpapatawa at click siya sa crwod ha? Naging stand-out rin ang performance niya sa production number na ginawa nila ng mga co-deejays sa MOR lalo na noong i-lypsinc n’ya ang “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin” ni Angeline Quinto. Grabe! Ang palakpakan sa baguhang DJ. Sosyal, rin si Jhaiho dahil lahat ng Presscons ng Kapamilya network ay present siya at nag-i-interview ng mga celebrity na pini-play naman sa kanyang radio show. Dahil talagang may talent ay ramdam namin na hindi lang ito ang magiging career ni Jhaiho sa showbiz kundi magiging artista rin siya sa big screen na isa rin pala sa kan yang biggest dream.

Why not coconut gyud!

Christmas Party Ng Barangay Sagot Ng Eat Bulaga Sa Look Up-Look Up Brgy Dance Challenge

Magmula sa The Ryzza Mae Show ni Aleng Maliit Ryzza Mae hanggang sa Eat Bulaga lahat ay nakiki-look up na. Kaya bawat mapipili nilang Barangay na pagdarausan ng “Juan For All, All For Juan” ay binigyan ng pagkakataon ng Bulaga na sumali sa kanilang “Look Up-Look Up Dance Challenge” na ang premyo ay sagot na ng programa ang Christmas Party ng Barangay sa darating na Pasko at may kasama pang worth P10k na regalo. Tiyak na magiging masaya at makulay ang Party ng mga residente ng every Barangay dahil sa handog na ito sa kanila ng Eat Bulaga. Last Saturday, ang Brgy. 794 Zone 87 San Andres Bukid Manila ang nanalo sa challenge at 97% ang nakuha nilang score. Kaya galingan na ang pagsayaw ng Look Up ni Ryzza Mae nang kayo na ang sumunod na winner sa nasabing pakontes.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top