Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Mainam ang sandaling ito sa pag-aksyon.  Perpekto para rito ang iyong enerhiya.

Taurus  (May 13-June 21) Kailangan mong iwasan ang tuksong mag-invest ng malaking halaga sa isang tao. Pag-isipan itong mabuti.

Gemini  (June 21-July 20) Kailangan mong kumilos at direktang humakbang. Hinihintay ka nilang mauna sa pag-aksyon.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Minsan, kailangan mo munang tulungan ang sarili bago mo matutulungan ang iba.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Masigla ka sa iyong pagkilos ngayon. Lahat ng gawain ay matatapos mo.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Nahihirapan kang tuparin ang iyong mga ipinangako. Aminin sa kanilang hindi mo ito makakayang lahat.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Huwag makukuntento sa iisang bagay o lugar lamang. Sumubok naman ng iba.

Scorpio  (Nov. 23-29) Handa ka sa pakikipagsapalaran ngunit higit kang magiging maingat.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Hinahangaan mo ang isang kaibigan o kasama sa kanilang itinatagong katangian.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Kailangan mo pang laliman ang paghukay sa iyong nararamdaman. Itinutulak ka ng iyong ideyalismo sa pagsusulong ng pagbabago.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Higit kang sinusuportahan ng iyong network. Labis ang iyong pasasalamat sa kanila.

Pisces  (March 11-April 18) Pinahihirapan ka ng authority figure. Ngunit hindi ibig sabihin na wala kang gagawin para kontrahin siya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Hindi ito ang tamang sandali sa komprontasyon. Pairalin ang diplomasya.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top