Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Illegal gambling kompleto na sa area ng MPD PS-1 (Pinalarga ni Tata Karil Bunganga!)

Illegal gambling kompleto na sa area ng MPD PS-1 (Pinalarga ni Tata Karil Bunganga!)

00 Bulabugin JSY

LARGADO ang lahat ng klaseng SUGAL-LUPA sa lungsod ng Maynila dahil sa pamamayagpag ng ilang 1602 OPERATOR na gaya ni bookies queen EDNA ENTENG.

Isang alias TATA KARIL BUNGANGA ng MPD PS-4 ang nagbibigay ng basbas at kumokolekTONG ng TARA y TANGGA mula sa mga operator ng sugal-lupa.

Kay alias Tata Karil rin naghahatag si TATA PAKNOY ng TARA y TANGGA. Ang siste, ‘pag DELIVER ni TANDANG PAKNOY ng TARA sa nagpapakilalang KOLEKTOR ng MPD-HQ na si alias KARIL BUNGANGA siya naman ang ibinibigay sa kanang kamay ng isang PUNYENTE ‘este’ TINYENTE ARN-ARN na si alias RIC SORNAKNAK saka hinihimay at ginugupit para ihatag naman daw sa MPD PS-1.

MPD DD GEN. GANI GENABE sir, TOTOO ba na si alias TATA KARIL BUNGANGA e official bagman ng MPD?

Bakit si Bunganga na naka-assign dapat sa MPD PS-4 pero  sa AOR ng TONDO-1 nag-o-operate ?

MPD PS-1 chief P/Supt. Decena sir, ganyan ba kalakas si Tata bunganga sa inyo?

No wonder kaya pala HATAW ang mga BOOKIES ng KARERA d’yan sa iyong AOR, maging ang mga demonyong VIDEO KARERA sa kalye LALLANA, VELASQUEZ at PACHECO.

ALAM mo ba KERNEL DECENA na mayroong malakasang lotteng d’yan sa PRITIL MArket?

Pakitanong mo na lang kay TINYENTE Raffy Melencio ng PRITIL PCP at  baka BINUBULAG at BINUBUKULAN ka na ng matitikas na KOLEKTONG na nakapaligid sa iyo?

Kernel Decena, sabi ng isang lespu mo, madalas daw pumasyal sa iyong opisina ang isang tao ni Vice … nagya-yakbi na kayo Sir?!

Nagtatanong lang po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top