Friday , September 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Suporta ng mga taga-Laguna kay Gov. ER, buong-buo

Suporta ng mga taga-Laguna kay Gov. ER, buong-buo

GRABE pala ang suporta ng mga Laguneno-Lagunena sa kanilang gobernador na si ER Ejercito. Sa ginanap na rally-unity mass cum birthday ng gobernador sa Cultural Center ng Laguna, dumagsa ang napakaraming taga-Laguna. Hustong 50 years old na noong Oct. 5 si Gov. ER na lalong bumata at pumogi. Nakakabata pala ‘yung may problema.

Dini-disqualify si Gov. ER ng Comelec as governor dahil over spending daw noong nakaraang eleksiyon na second term na niya bilang ama ng Laguna. Maganda ang talumpati ni Gov. ER after ng Holy Mass na kung ilang libong tao ang dumalo at halos lahat ng mga bayang sakop ng Laguna at mga barangay officials ay dumalo bilang support sa kanilang mahal na gobernador. Well loved siya ng mga kababayan niya at nakatutuwa naman na kompleto ang pamilya niya. Naroon ang ermat niya, si Mrs. Monette Ejercito, Pagsanjan Mayor Maita Ejercito, maybahay niya na napakaganda pa rin ng mukha na sa totoo lang, nakunan  siya noong nakaraang Agosto. Bale panglimang anak na sana nila ni Gov. ER. Naroon din sina Bokal Gerald Ejercito at Bokal Jerome Ejercito, mga nakababatang kapatid at iba pa.

Ang sikat na TV newscaster ng ABS-CBN na si Congresswoman Sol Aragones, ang aktres na si Board Member Angelica Jones Alava na kahit nag-gain ng weight, ang ganda-ganda pa rin, ang Board Member Emil Tiongco na dating sikat na singer at magaling pa rin, hindi pa laos, inawit niya ang Walk On at kung sino sino pang mga taga-showbiz ay nagbigay din ng suporta sa gobernador. Napakasaya ng affair bagamat may bahid ng lungkot ang pinagdaraanang problema ng Ejercito family.

After ng mga paliwanag ni Gov. ER, hindi na siya masyadong nagsalita pa dahil ayaw ng kanyang lawyer pero feel mong maraming gustong sabihin si Gov. ER. Basta siya pa rin ang gobernador ng magandang Laguna. Ang politika talaga hindi mo na alam kung sino ang kaibigan mo, ang kakampi mo, ang loyal sa iyo, ang hindi babalimbing sa iyo! Pwe! Basta mabuhay si Boy Golden na film entry sa 2013 Metro Manila Film Festival with KC Concepcion.

3 arresting officers ng Showbiz Police, malakas ang dating

SA totoo lang magaganda ang tatlong arresting officers ng Showbiz Police sa TV5 na ilang Sabado pa lang sila na umeere, 6:00 p.m., ay  dinadagsa na ng fans at napupuri.

Hindi lang kasi sila magagaling magbalita, puring-puri ‘yung ganda nila, mga modelo ang dating, the way they dress up, napaka-elegante raw, tipong mayayaman, mga fashionista at ratsada kung magsalita, Tagalog o English. Maraming mga fresh news ang gusto ng mga home viewer, kaya ang news department ng Showbiz Police, ang mga group of writer nila ay nangakong hahalukayin ang malalalim na mapagkukunan ng balitang showbiz para sa ikasisiya ng mga tagasubaybay nito tuwing Sabado.

Mas lalong nganga sina Congresswoman Lucy Torres Gomez na plano pa naman ng kanyang husband na si Richard Gomez ay masundan na ang kanilang si Juliana na dalagita na. Eh, pareho na sila ni Richard na abala rin sa ilang shows sa ABS-CBN. Si Nay Cristy Fermin wala ring kapaguran, eh, mas pagod daw siya kapag walang ginagawang TV show. Si Raymond Gutierrez naman ay nagsabing ang TV hosting daw ay parang kakambal na niya nang ipinanganak siya ni Annabelle Rama. Mas gusto pala niya ang TV work kaysa pelikula. Si Direk Joey Reyes, as usual mataray daw sabi ng viewers, walang takot kung magsalita at mag-comment. Ganyan talaga si Direk Joey, totoong tao, sasabihin niya ang totoo, ang hindi totoo at kung ang maganda or ikagaganda ng news. ‘Yung pagiging mataray kung magsalita, hindi raw ‘yun bago, kasi natural na niya ‘yun na magsalita ng matapang.

Balitang Raymart at Claudine, nakaUuta na!

PARANG nakakasawa na ang balita kina Raymart Santiago at Claudine Barreto. Kailan daw kaya matatapos o matutuldukan? Ask ito ng mga nagtitinda sa sidewalk sa Binan market.

Love raw naman nila si Claudine. Noong una nga, nagsisimpatiya sila kay Claudine, pero ng kasali na sa gulo ang mga utol niya, ok pa rin daw dahil natural daw ‘yun, magkakadugo sila, tapos si Mommy Inday Barretto, sige pa rin dahil ina, ngayon, pati Daddy Barretto, join na rin. No talk na lang daw sila.

Eh, si Raymart daw wala kang maririnig sa pamilya niya, kina Rowel , Randy, Junjun,  sa kapatid na babae at lalo na sa mother nila, kay Cielito “Chiling” Santiago. Mas palengkera raw pala ang mga Barretto. Ma! Magtinda na lang kayo ‘no! Para makarami kayo. Huwag nang makisawsaw!

Letty G. Celi

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top