Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Holdaper ari ipinasubo sa biktima (Walang nakuhang pera)

Holdaper ari ipinasubo sa biktima (Walang nakuhang pera)

CEBU CITY – Patuloy na kinikilala at pinag-hahanap ng mga awtoridad ang isang holdaper na nagmolestiya sa 30-anyos babae na kanyang hinoldap sa Purok Red Rose, Brgy. Yati, Lilo-an Cebu.

Ayon kay C/Insp. Jose Liddawa ng Lilo-an police station, ang biktimang hindi pinangalanan ay personal na dumulog sa kanilang tanggapan upang isumbong ang ginawa ng suspek sa kanya.

Sinabi ng biktima na habang naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay, isang lalaki ang lumapit sa kanya at nagdeklara ng holdap.

Ngunit nang sinabi niyang wala siyang cellphone at pera, tinutukan siya ng baril sa ulo, binuksan ang kanyang blouse at hinalikan ang kanyang dibdib.

Hindi pa nakontento, inatasan ng suspek ang biktima na siya ay i-oral sex.

Sa salaysay ng biktima, hindi siya nakasigaw dahil sa takot at walang ibang tao sa paligid dahil liblib ang nasabing lugar.                (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top