Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angel Locsin at Paulo Avelino, tampok sa MMK

Angel Locsin at Paulo Avelino, tampok sa MMK

LAGING kaabang-abang ang bawat episodes ng MMK o Maalaala Mo Kaya ng ABS CBN. Pero this Saturday ay mas dapat tutukan ang programang ito ni Ms. Charo Santos dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay magtatambal dito sina Angel Locsin at Paulo Avelino.

Ito’y bahagi pa rin ng selebrasyon ng 60th year ng Kapamilya Network na last week ay naging bonggang-bongga at dinumog ng sandamakmak na viewers ang kanilang special na pagtatanghal ng It’s Showtime last Saturday at ASAP noong Linggo.

Anyway, back sa MMK ngayong Sabado, mapapasabak sa isang heavy drama love story sina Angel at Paulo. Gaganap si Angel bilang pasyenteng may malalang sakit na TB o tuberculosis, samantala si Paulo naman ay bibigyang-buhay ang papel na isang nurse.

Parehong kilalang magaling sa drama ang dalawa kaya’t hindi dapat palagpasin ang kakaibang love story nila na tampok sa MMK.

Incidentally, marami ang nag-aabang sa magiging bagong drama series ni Angel sa Dos, pero tila wala pa yatang project na ganito in the near future ang aktres. Although, enjoy na enjoy kami sa tandem nila ni Vhong Navarro sa sitcom nilang Toda Max (lalo na noong nandoon pa si Robin Padilla), pero maraming fans si Angel na gusto siyang mapanood sa isang daily drama series.

Hindi bale, sigurado naman na matutuwa ang fans ni Angel dahil muli ay magiging Pinay Superhero ang kanilang idol sa isang pelikula. Muling lilipad at magsusuot ng seksing costume si Angel bilang Darna sa pelikula. Kaya’t isa ito sa dapat pa nilang abangan sa kanilang idolo.

Maribel, proud sa anak na si Marion Aunor

ISA si Maribel ‘Lala’ Aunor sa mga masayang-masaya sa paglabas ng album ng anak niyang si Marion Aunor. Nakita namin mismo ang todong-suporta at pagtutok ni Lala kay Marion, mula pa lang nang sinisimulang gawin ang self-titled album ng kanyang anak.

Kaya nang makahuntahan namin si Ms. Lala, sinabi niyang proud siya sa panibagong accomplishment na ito ni Marion. “Yes of course I’m very proud na natapos din ang kanyang album, medyo na-delay nga lang e, pero happy ako sa outcome ng album ni Marion.”

Sinabi din ng dating teenstar noong 70s na hindi na siya nakialam sa ibang detalye ng album ng kanyang anak dahil sina Marion daw at ang manager/mentor niyang si Vehnee Saturno ang namili ng mga kantang isasali sa album ng promising singer/composer.

“Iyong sa mga songs, silang dalawa ni Tito Vehnee niya ang nag-ano doon … sa stage lang ako nakialam, kung paano siya mag-interpret ng songs.”

Ano ang ipinapayo n’yo sa kanya, since pinagdaanan n’yo na iyan?  “Yeah, oo, sabi ko lang sa kanya huwag niya i-take seriously. Halimbawa ‘yung mga intriga, huwag siya masyadong parang balat sibuyas. So ano lang, take it easy para hindi siya masyadong maapektohan.”

Ano ang ine-expect niyang mangyayari sa career ni Marion?

“Well, siyempre lahat naman ng mga mommy ay gustong maging successful ‘yung anak, ‘no. So, ako naman kung hindi man talaga niya ma-reach ‘yung sobrang popularity, kahit papaano ay mayroon siyang pupuntahan sa career niya. Kumbaga magiging bonus na sa amin kung ma-reach n’ya ‘yung talagang sikat na sikat. Pero sa amin naman, at least ay makilala muna siya ng tao at mai-share niya ‘yung music niya,” nakangiting saad ni Lala.

Kabilang sa featured songs sa 12 track debut album ni Marion ay ang dalawang carrier singles na Fallen at Do Do Do na pareho niyang komposisyon. Kabilang din dito ang dalawa pang orihinal na gawa niya na may titulong I Don’t Know (If I Should Stay or I Should Go) at ang winning entry niya sa Himig Handog na  If You Ever Change Your Mind.

Ang iba pang kanta rito ay Sex On Legs na isinulat ni Marion kasama si Patricia Sanico, samantala ang manager at album producer niyang si Vehnee ay ang kanyang co-composer naman sa awiting Take A Chance. Nandito rin ang sariling version ni Marion ng Just Give Me A Reason.

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top