Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Ang Zodiac Mo

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Medyo bumabagal ka ngayon ngunit hindi naman ito magiging permanente.

Taurus  (May 13-June 21) Ikaw ay nagiging passionate sa isang bagay o tao, at hindi mo ito maitatanggi.

Gemini  (June 21-July 20) Ang iyong emotional side ay pasirit ngayon, tiyaking maitutuon mo pa rin ang pansin sa trabaho.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Iwasan muna ang pagpirma o pagtalakay sa ano mang home improvements projects. Ilaan ang sandaling ito para sa spiritual matters.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Isang tao na nagkukunwaring nagmamalasakit sa iyo ang dapat mong ingatan.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Ito ang sandali sa lalo pang pagpapalalim sa iyong ginagawa, posibleng sa pagbabasa, o sa pagpaplano sa iyong career.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Mayroong dalang malaking pagbabago ang araw na ito, ngunit huwag mag-alala hindi naman ito magdudulot ng malaking pagbabago sa iyong buhay.

Scorpio  (Nov. 23-29) Maraming mga tao ang hihingi ng tulong sa iyo. Hindi lahat sila ay kaya mong pagbigyan.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Mag-isip nang mabuti at busisiin kung ano talaga ang iyong gusto.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Tingnan ang mga bagay sa objective standpoint ngayon. Hindi ito magiging mahirap para sa iyo.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Wala kang sigla at lakas ngayon. Mistulang wala kang matatapos na gawain.

Pisces  (March 11-April 18) Kailangan mong labanan ang nararamdamang nerbiyos sa iyong kakaharaping tao. Magiging maayos din ang pakikipag-usap sa kanya.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Kung ikaw man ay nakaranas ng pagkabigo, huwag mawawalan ng pag-asa.

Lady Dee

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top