Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sunshine, okey lang na magkaroon ng bagong karelasyon si Cesar

Sunshine, okey lang na magkaroon ng bagong karelasyon si Cesar

AS expected ay naging prangka si Sunshine Cruz sa mga tanong tungkol sa asawang si Cesar Montano.

Alam naman ng lahat na may court battle ang mag-asawang Sunshine at Cesar na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba kaya tinanong ang aktres kung posibleng magkabalikan pa sila ng aktor.

“Hindi na, thirteen (13) years is enough at alam ni Buboy ‘yun dahil sinabi ko ‘yun sa kanya na wala na talagang chance,” diretsong sabi ng aktres.

“Mahal ako ni Buboy (Cesar Montano) at hindi naman ako pakakasalan niyon. Mahal niya ako, kasi iba ako, pero enough na,” sabi pa.

“Hindi na,” mabilis ding sagot sa amin ng aktres sa tanong kung mahal pa niya ang asawa.

Natawang sabi pa ni Sunshine na parang napahiya nga raw ang manager niyang si Tito Alfie Lorenzo dahil panay daw ang sabi na isang araw ay makikipagbalikan din ang aktres sa asawa, “oo nga, eh, ‘di napahiya naman ang manager, ha, ha.”

“Wala na kasing maniniwala sa akin na ilang beses na kasi akong nakipaghiwalay, six (6) years ago nakipaghiwalay ako ng isang taon at hindi ako nagtrabaho, nagpasuyo talaga ako, nasaktan ako noon sobra, pero bumalik pa rin ako kasi iniisip ko pa rin baka may kulang pa sa akin na hindi ko pa ibinibigay eh, ibinigay ko na lahat-lahat, eh, wala pa rin,” balik-tanaw ni Shine.

At kung sakaling magkaroon ng bagong babae sa buhay si Cesar, “I wish him well,” sambit ng aktres.

“Kung sinuman ang magustuhan niyang babae, sinuman magpapaligaya sa kanya, magiging happy ako para sa kanya, sana ganoon din siya sa akin, ‘di ba? Maging happy din siya sa akin,” katwiran pa ng aktres.

At dahil may gag order sina Cesar at Sunshine kaya hindi pa rin siya makapagbigay ng detalye sa kaso kaya tahimik daw ang court battle ng dalawa.

“Eh, dahil sa interview na ito, eh, magiging maingay na. Actually, sana matapos na itong (interview) kasi may mga kaibigan ding media si Buboy, na sasagot na naman,” katwiran ni Shine.

At posible bang foreigner ang muling mamahalin ni Shine ‘pag napawalang bisa na ang kasal nila ni Cesar?

“Ayoko ng foreigner, as much as possible Pinoy pa rin ako, kaya nga ang hirap, eh. Mahirap ang Pinoy ang tanggapin na may tatlo akong anak.  Kukuha na lang sila ng dalaga, kukuha sila ng isang anak, bakit tatlong anak?” katwiran sa amin.

“Sana kayang tanggapin ang mga anak ko, hindi ‘yung isusumbat ang pagbo-bold ko,” dagdag pa.

Handa na ba si Shine na hindi muling makapag-asawa?

“I have a fear of growing old but I know that I have God and I have my children, so okay lang ‘yan,” say sa amin.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top