Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Suking contractor’ ni DPWH Region VI Director Edilberto Tayao wagi sa Iloilo Convention Center

‘Suking contractor’ ni DPWH Region VI Director Edilberto Tayao wagi sa Iloilo Convention Center

00 Bulabugin JSY

‘MALINIS’ daw ang naganap na bidding para sa konstruksiyon ng Iloilo Convention Center.

Malinis dahil ang joint venture na A.M. Oreta at IBC International ay hindi nanalo sa BIDDING kundi ang Hillmarcs Construction, na nakabase sa Makati City.

Sa naturang bidding hindi nag-submit ng bid proposal at hindi rin nag-submit ng withdrawal letter ang Hillmarcs. Sa madaling salita, may dahilan ang ginawa ng Hillmarcs dahil sinabihan siya ni Tayao na magkaroon ng failed bidding at mag-request siya na ilipat sa Regional office sa iloilo ang bidding.

Sa ikalawang bidding, hindi na umano sumali si Hillmarcs.

At sa sabwatang Momo at Tayao, hiniling nila kay Secretary Rogelio “Babes” Singson na ilipat sa Iloilo ang bidding.

Pagkatapos umano ay nakipagkita si Tayao sa Hillmarcs at tiniyak na, “ikaw na ang mananalo dahil ako na ang magko-conduct ng bidding sa Iloilo.

Isang politiko umano ang kumausap kay Tayao upang sabihin na si Hillmarcs ay contractor ni VP Jojo Binay. Katunayan siya ang gumawa ng Makati City hall.

Sinabihan umano ni Tayao ang politiko na, “’Wag ka mag-alala, matagal ko na kilala si Hillmarcs, suki ko ‘yan. Ang kay Senator Drilon ay darating at ako mismo ang magbibigay.”

Sinabi rin n’ya na may blessing siya kay Sen. Drilon at siya ay isa sa gumawa ng paraan noong nakaraang halalan upang madagdagan ang pondo ng Liberal Party kaya ‘wag intindihin si Drilon dahil may ‘blessings’ nga siya.

To cut the long story short, si Hillmarcs nga ang nanalo sa bidding na ginanap nitong nakaraang Martes sa Iloilo City.

Pero sa totoo lang, ang plano ni Tayao, kung sakaling ‘masilipan’ ng kulay ang pagkapanalo ni Hillmarcs, sa joint venture ng A.M. Oreta and IBC n’ya umano ia-award ang contract.

Tsk tsk tsk …

Mantakin ninyong ganyan  pala kaganid ‘yang si Tayao?! Akala nga raw ng mga crusader natin sa DPWH, noong mawala sa Maynila ay magpapakatino na pero lumala pa sa dati dahil siya raw ang hari ng DPWH sa Region VI.

Basta ang importante raw, meron para kay Secretary, para kay Momo at para kay Senate President Drilon.

Ipinagmamalaki din umano ni Tayao na hindi siya matitinag hangga’t naririyan si Drilon.

Gano’n?!

Anong say mo Sen. Dribol ‘este’ Drilon!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top