Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / P4.6-M electrical cargo nabawi

P4.6-M electrical cargo nabawi

Narekober sa isinagawang follow-up operations ng Manila Police District Anti-carnapping ang dalawang truck  at cargo na na iniulat na nawawala sa Maynila.

Ayon kay police S/Insp. Rozalino Ibay, Jr., hepe ng MPD-ANCAR, nabawi ang ninakaw na Focus Mini lights at mga Paciflex electrical wires nang magsagawa ng visitorial power ang pulisya sa Switch-Up Marketing na pagmamay-ari ng suspek na si Nicanor Santos Sy, nakatira sa 2265 at 1710 Jade St., San Andres Bukid, Maynila.

Hindi rin ito makapaglabas ng business permit galing sa Bureau of Permits of Manila (OBPM) ukol sa operasyong nagaganap sa kanyang bodega

Bago ang insidente, unang iniulat ni Carl Chrysander Lim, kinatawan ng trucking agency na ninakaw ang kanilang trak ng drayber na si Jonathan Quinabato ng North Hills, Norzagaray, Bulacan. Inilihis umano ng drayber ang ruta na papunta sanang North Harbor sa Maynila.

Ikinarga naman ang nasabing cargo sa 40-footer container van na naglalaman ng mga electrical wires at Focus Mini lights na nagkakahalaga ng P4.6 milyon na pagmamay-ari ng Cebu Sheridan Marketing, Inc.

Nabatid na bago maganap ang pagbawi sa mga nawawalang cargo, nagsagawa ng surveillance ang MPD-CS sa paligid ng pinangyarihan.

Kasama ng mga cargo, narekober din ang dalawa pang truck na pagmamay-ari ng BROCOM Trading may plakang RAJ-725 at RFS-228, parehong kulay puti na aluminum van at minamaneho nina Oscar Tabutol at Allan Martinez kasama sina Jeffrey Boral, Jaime San Jose, Maynard Gumarang at Jobert Monderondo, kapwa ng 167 Quezon St., Grace Park, Caloocan City. Dinala ang mga nahuling drayber at tauhan sa tanggapan ng pulisya kasama ang mga narekober na kargamento.

(leonard basilio/

dAPHNEY ticbaen)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top