Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-asawa, 3 anak patay sa sunog sa Surigao

Mag-asawa, 3 anak patay sa sunog sa Surigao

BUTUAN CITY – Patay ang limang miyembro ng pamilya matapos masunog ang kanilang tinutulugan sa Purok 6, Brgy. Taganito, bayan ng Claver, Surigao del Norte.

Sa imbestigasyon ng Claver Municipal Police Station, napag-alamang nagsimula ang apoy sa boarding house na pagmamay-ari ng nagngangalang Elita Makinano at kumalat sa katabi nitong vulcanizing shop patungo sa isang auto spare parts shop na tinutulugan ng buong miyembro ng pamilya sa basement nito nang mangyari ang sunog.

Sinasabing 12:10 a.m. kahapon nang maganap ang sunog habang mahimbing na natutulog ang pamilya Macalos.

Ayon kay SPO1 Joel Verano sa Claver Municipal Police Station, na-trap sina Enjohn Macalos, 5; Mitch Macalos, 7; Axel John Macalos, 11; Marites Macalos, 49; at ang may-ari ng naturang establishment na si Gliserio Macalos, 73.

Bagama’t tatlong fire-trucks ang nagresponde, hindi na nailigtas pa ang pamilya dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Tinatayang aabot sa kabuuang P2.5 milyon ang naitalang pinsala ng naturang sunog.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top