Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot muntik lurayin ni ‘pare’

Kelot muntik lurayin ni ‘pare’

LEGAZPI CITY – Hindi makapaniwala ang isang lalaki na siya ay pagsasamantalahan ng kanyang itinuring na matalik na kaibigan na isa palang bading.

Sa ulat, nakaino-man ng biktima na kinilalang si Nathan ang suspek na si Julius at dalawang iba pa sa isang bar sa lungsod ng Legazpi.

Pasado 12 a.m. nang pauwi na ang grupo ni Nathan at agad siyang sumakay sa motorsiklo ni Julius sa pag-aakalang ihahatid siya sa kanilang bahay.

Ngunit laking gulat niya nang sa ibang bahay sila tumuloy na noong una ay hindi pinansin ni Nathan sa pag-aakalang magpapahinga lang sila sandali.

Nagpapahinga si Nathan nang magpumilit si Julius na siya ay halikan.

Ngunit pumalag ang biktima at nang makakuha ng tiyempo ay mabilis na tumakbo.

Dumiretso ang biktima sa Daraga Municipal Police station para ireklamo ang suspek sa tangkang paghalay sa kanya.

(HNT)

About hataw tabloid

One comment

  1. Ha, here from yahoo, this is what i was searching for.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top