Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kampana ng Simbahan kakalembangin vs pork barrel (Protesta sa Biyernes)

Kampana ng Simbahan kakalembangin vs pork barrel (Protesta sa Biyernes)

Sabay-sabay na babatingtingin ang kampana ng mga Simbahan sa loob ng tatlong minuto eksaktong ala-1:00 ng hapon, sa Biyernes, Oktubre 11.

Ito’y pagpapaabot ng mensahe ng Simbahan sa pagtutol sa patuloy na pagpapalabas ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel gayon din ang paglaban sa kahirapan.

Ani Father Ben Alforque, lead convenor ng grupong Church People’s Alliance Against Pork Barrel, ang samahan ng mga obispo, pari, madre, seminarista at mga lay leader mula sa Archdiocese ng Cebu, Jaro, Sorsogon, Borongan, Isabela, Tagbilaran, Batanes at mahigit 20 parokya sa Metro Manila ay sabay-sabay na ikakalembang ang kampana nang tuloy-tuloy sa loob ng tatlong minuto.

Sa mga simbahan naman ng Baclaran at Sta. Cruz sa Maynila, magmimisa muna ganap na 12:00 ng tanghali saka patutunugin ang kampana.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top