Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / I Dare You, konseptong Pinoy

I Dare You, konseptong Pinoy

SA isang roundtable interview na ipinatawag ni Sir Kane Choa para sa inaabangang I Dare You Season 2 na mag-uumpisa na ngayong October 12 after MMK ay naging interesado na kami kaagad kay Deniesse Aguilar. Gandang-ganda kami sa papasikat na artista na produkto pala ng PBB season 4.

“Batch po kami nina Slater Young,” aniya.

Nasa bakasyon lang pala noon sa Boracay itong si Deniesse nang biglang may lumapit sa kanya at kinumbinsing mag-audition sa PBB.

“Opo, I am with my family and friends, tapos may lumapit po sa akin and asked me kung gusto ko raw magpa-audition for ‘PBB’, then noong nasa Manila na ako, I got a call-back from them. Pumila rin po ako during that time at wala pong special treatment na nangyari sa akin. And that started ng journey ko sa showbiz,” kuwento pa nito.

Pero bakit parang ang bilis niyang natanggal noon sa PBB?

“Kasi, pumasok po noon si Melai, tapos, noong nasa loob na po siya ng Bahay ni Kuya, nagkuwentuhan po kami, kasi during that time po ay super mabunganga po talaga ako, hanggang sa napag-usapan namin ni Melai ang mga buhay-buhay niya na hindi ko namalayan na nasa rules pala na bawal pag-usapan ang outside world, kaya naging malaking point po ‘yun sa pagkaka-evict po sa akin. But hindi ko naman po ‘yun dinamdam, ganoon po talaga, but so thankful naman po until now that nandiyan pa rin ang ABS-CBN for us,” aniya pa.

Naikuwento rin nitong nagkaroon na siya ng boyfriend bago pa man siya napasok sa PBB pero ngayon ay wala na raw.

“Yes po! Kaya nga po eh! I don’t know why talaga. Kaya sabi ko nga sa sarili ko when we were taping for ‘I Dare You’, it’s time for me to say na I dare myself to have a boyfried na!” bungisngis pa nitong kuwento sa amin.

Hindi man lamang ba nagparamdam sa kanya si John Prats na ka-trabaho niya sa I Dare You?

“Wala eh! But napakabait niyang tao. ‘Yun nga lang, wala naman po kasing paramdam,” natawang kuwento pa nito sa amin.

Well, ayon naman kay Mr. Reily Santiago, ang utak at henyo ng I Dare You reality challenge show na ito, both John and Deniesse were handpicked para sa proyekto na sariling atin pala itong I Dare You. Konseptong Pinoy na talagang inalagaan nila dahil after maipalabas sa ere ang first season nito last year ay nakatanggap sila ng magagandang balita at reviews. Wala kasing ibang adhikain ang show kundi ang makatulong sa kapwa. Hindi lang challenges ang makikita rito sa realiserye, experimental at narrative show kundi mararamdaman din natin kung paano ginampanan ng mga challenger ang kanilang papel lalo na ang naging attachement nila sa kanilang mga tinutulungang tao.

100 Kapamilya stars nakisaya sa ASAP 18

LAST Sunday ay nasaksihan namin ang isang engrandeng ASAP 18 celebration na ginanap sa Marikina Sports Center para sa ikalawang araw na selebrasyon ng Kapamilya 60 Years of Television ng ABS-CBN!

Of course, as always ay hindi patatalo ang ASAP sa kanilang inihandang engrandeng production number kasama ang mahigit 100 Kapamilya stars na nagsanib-puwersa para sa naturang espesyal na pagtatanghal.

Sunod-sunod na engrandeng sorpresa at world-class performances ang inihandog ng Kapamilya stars sa lahat ng dumalo sa naturang selebrasyon ng ASAP 18 na tumatak na sa mundo ng telebisyon simula nang mabuksan ang show na ito 18 years ago sa Delta Theatre. Naging star-studded at isa na namang history sa mundo ng telebisyon ang naturang event ng ASAP na kabahagi ng 60 years of televison ng Kapamilya Network.

Para sa TV viewers na gustong bumili ng ASAP official merchandise, bumisita lamang sa ABS-CBN store na makikita sa ground floor ng ELJ building. Congratulations ASAP 18!

Dominic Rea

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top