Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Enrique, natensiyon sa halikan nila ni Bea (Aminado ring ‘nadala’ at nag-mouthwash ng solid)

Enrique, natensiyon sa halikan nila ni Bea (Aminado ring ‘nadala’ at nag-mouthwash ng solid)

TAWA nang tawa ang entertainment press na dumalo sa presscon ng She’s The One kay Enrique Gil dahil sa mga sagot niya sa bawat tanong sa kanya.

May kissing scene kasi sila ni Bea Alonzo sa pelikula at dahil first time ito ng aktor na gawin sa pelikula ay aminadong tensiyonado siya.

“Kasi noong una, sinabi sa akin, wala namang kissing scene. ‘A, okay.’

“Pero noong nagsu-shoot na kami, bigla nilang naisip binago na. Sabi ko, ‘O talaga? Ow!’

“Noong binabasa ko ‘yung script, ewan ko, hindi ko ma-explain, eh. Sana magawa ko ng maayos. ‘Yun ang iniisip ko,” panimulang kuwento ni Enrique.

At para raw makatiyak na hindi siya mapapahiya kay Bea, “nag-mouthwash ako ng solid! Hindi, joke lang.”

At ano ang naramdaman niya sa unang halik niya sa screen, “first kissing scene ko na solid, doon nga sa eksena, ako pinapawisan, si Bea wala lang.

“Pero okay naman dahil napakagaling ni Bea,” kaswal na sagot ng aktor kaya biglang nagtawanan ang tao sa Dolphy Theater dahil halatang ninenerbiyos na si Enrique at sabay bawing, “Artista, na artista!”

Maraming beses daw kinunan ang kissing scene nila, “may variations. Pero nakuha naman namin.”

Samantala, halatang ilang na ilang ang batang aktor kapag napag-uusapan ang kissing scene nila ni Bea kaya diretsong tanong ang ibinato sa kanya kung may crush siya sa aktres.

“Ito naman, ganoon kaagad? Siyempre, naiilang kasi ako. First kissing scene ko talaga na ganoong level, na solid na kiss. Tense talaga, kahit sino namang una siguro wala, nate-tense lang talaga ako,” katwiran ni Ken (tawag kay Enrique).

Nadala ba siya sa kissing scene nila ni Bea? “Oo naman,” mabilis na sagot ng aktor na ikinaloka ng lahat at maging ang aktres ay natawa sa sagot ng binata.

Sabay bawi ni Enrique, “siyempre, nakakadala ‘yung eksena. Kasi ‘pag hindi ka nadala, hindi maganda. Dapat madala talaga.”

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top