Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Bonuses ng SSS officials binubusisi ng Senado

Bonuses ng SSS officials binubusisi ng Senado

BINATIKOS ng mga senador ang pagbibigay ng milyon pisong performance bonuses sa board of directors ng Social Security System (SSS).

Sinabi ni Sen.  Jayvee Ejercito, paanong nabigyan ng ganitong klase ng bonus o nakalululang reward ang mga director ng SSS gayong ang mga miyembro ay nagrereklamo sa hindi magandang serbisyo at sa mabagal na pagproseso at pag-release ng kanilang buwanang pensyon.

Ayon kay Ejercito mayroon legal at moral issue sa usaping ito.

Sinabi naman ni Sen. Grace Poe, bagamat maganda at balidong policy ang pagbibigay ng performance bonus, dapat aniyang magkaroon muna ng satisfaction at positibong feedback sa mga miyembro ng SSS kaugnay ng serbisyo nito.

Gayondin dapat aniyang rasonable at makatwiran ang halaga ng bonus dahil sa pangkalahatan ay public service ang nature ng kanilang trabaho.  Samantala, ipabubusisi ni Sen. Chiz Escudero sa Governance Commission for GOCC ang legalidad at kawastuan ng pagbibigay bonus sa mga board of director ng SSS.

Ayokay  Escudero, hindi maganda ang timing nito dahil nasabay sa pagtataas sa kontribusyon  ng mga miyembro.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top