Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / BIR Regional Director alias “Nakamora” tatlong taon lang lumobo na ang yaman! (Attn: DoF-RIPS & Ombudsman)

BIR Regional Director alias “Nakamora” tatlong taon lang lumobo na ang yaman! (Attn: DoF-RIPS & Ombudsman)

00 Bulabugin JSY
THREE years ago, noong nasa probinsiya pa ang isang regional director ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tinutukoy natin sa kolum na ito ay napakasimple umano ng kanyang buhay.

Kabilang pa siguro si alyas “HUDAS NAKAMORA” sa mga sinasabing opisyal ng gobyerno na namumuhay nang naaayon sa kanyang  kakayanan at batay sa kung magkano ang sinusweldo niya mula sa gobyerno.

Siguro, dahil din sa kanyang ‘PAYAK na PAMUMUHAY’ kaya noong maupo si Pangulong Benigno ‘NOYNOY’ Aquino III ay itinalaga siyang Regional Director (RD) ng BIR.

Pero simula nang maitalaga siyang RD ay naging kagulat-gulat ang yaman ni alias NAKAMORA.

Ang pag-aari niyang properties sa isang posh subdivision sa Cainta ay corner to corner.

‘E paano ba naman, wala nang ginawa si BIR RD alias ‘Hudas Nakamora’ kundi ang bumili nang bumili ng mga properties na ibinebenta sa nasabing posh subdivision.

By the way, may INFO pa tayo na may sariling banko sa loob ng bahay si alias Nakamora … as in may sariling safety vault na imbakan n’ya ng kuwarta!

Tsk tsk tsk …

Sa pagkakaalam natin, mahigpit ang utos ngayon ni PNOY na i-lifestyle check ang mga CUSTOMS OFFICIAL.

‘E bakit ‘yung mga taga-BIR na gaya ni alias NAKAMORA, mukhang LUSOT na LUSOT lang sa lifestyle check?!

Iba ba talaga kapag mayroong TINITINGNAN at TINITITIGAN?!

Ano sa palagay ninyo, Madam KIM HENARES?!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top