Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ‘Bata-batuta’ ni VM Isko Moreno may ‘tangga’ sa mga juicy post ng MPD?

‘Bata-batuta’ ni VM Isko Moreno may ‘tangga’ sa mga juicy post ng MPD?

00 Bulabugin JSY

Ang ‘paputok’ ni Manila Vice Mayor ISKO MORENO sa kanyang papogi, kontra siya sa KOTONG cops at mga personnel ng city hall na kumukubra ng TARA mula sa mga vendor.

‘E VM Isko, ano po itong mga impormasyon na nakarating sa akin na namamayagpag ngayon ay mga tulisan na nagpapakilalang mga tauhan mo?

Sila raw ang mga itinalaga mong BANTAY pero BANTAY SALAKAY pala!?

Ilan pa sa mga inirereklamo ay personal pa raw na tauhan ng Office of the Vice Mayor!?

Totoo ba ‘yan VM Isko? Pwede bang paimbestigahan mo ang mga taong ‘yan!?

READ MORE:  Overacting na presidential security guard sa SONA ni PNoy

Ilan dito ay isang alias BOY G at J. T. (tongpats sa Lawton illegal terminal) at ang kabilang grupo na PUMI-PICTURE/PARTE sa tangga ng vendors at 1602 sa Maynila.

Madalas din umanong umorbit sa mga PRESINTO ang ilang mga tuta éste’ tauhan ni VM ISKO MORENO upang kumuha ng parte mula sa mga kolektong.

Siyempre, sa takot ng ilang MPD official at kanilang Bagman sa mga JUICY POST na Presinto na baka isumbong o gibain sila kay Vice Isko ‘e naghahatag na lamang sila.

READ MORE:  Hari ng sakla sa Kyusi kaladkad si Mayor Herbert Bautista at Kernel Campo

Minsan nga raw, abonado pa sila sa takaw ng mga ‘buwaya’!

Eto ang mas matindi, dalawang oslang HOODLUM ng TONDO 1 & 2 na si alias GERRY ISKULTOR at  NOLI SUGAL e namamayagpag rin ngayon sa pananakot sa pobreng vendors sa Divisoria.

Pinagbantaan pa ang mga vendor na huwag na silang nagrereklamo lalo sa media para patuloy silang makapag-tinda.

Hataw rin sa kolektong ang mga notoryus na kolektong gang na sina SHARON, CAROL BAKULAW, FERDIE, TOMBOY, KA FERDIE, alyas MUSLIM at MINDA na naghahatag sa MPD PS-11, J.Luna PCP at DAGUPAN PCP.

READ MORE:  Proteksiyon ng Fix-cal ‘este Fiscal hiniling ng solon sa DOJ

Hindi rin mawawala ang tangga ng vendors para sa ASUNCION PCP ni Major Gaspang ‘este’ Gaspar at para sa grupo ni TSERMAN RANDY sa malakihang ilegal na pailaw mula Asuncion hanggang J. Luna streets na may basbas ng isang tongsehal ‘este’ konsehal.

Punyemas talaga!!!

‘Yan ba ang ipagmamalaki ninyo sa 100 days n’yo sa Maynila!? Pweh!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com
COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved