Sunday , November 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Meg, excited sa pagtatambal nila ni Jericho

Meg, excited sa pagtatambal nila ni Jericho

NATUTUWA si Meg Imperial sa kanyang papel bilang kapatid ni Andi Eigenmann sa bagong teleseryeng Galema: Anak ng Zuma sa ABS-CBN.

Sa aming panayam sa kanya noong Fans Day niya noong Sept. 29 sa Viva Studios sa Scout Madrinan, Quezon City, sinabi ni Meg na markado ang kanyang role dahil magkakaroon ang karakter niya ng interes kay Matteo Gudicelli na leading man ni Andi sa Galema.

Ang Galema ay unang soap ni Meg pagkatapos na pumirma siya ng two-year exclusive contract sa Dos, bukod sa kanyang kontrata sa Viva Artists Agency.

“Working with Andi and Matteo is nice kasi kasama ko si Andi sa Viva,” pahayag ni Meg. ”Super-easy to work with especially si Matteo kasi sweet siya at mabait. I was supposed to be sa ‘Be Careful with my Heart’ pero hindi na-establish ang role ko kasi lumipat si Tom Rodriguez sa kabila. Aside from this, once a month ako sasayaw sa ‘ASAP’.”

Bago siya pumirma sa Dos ay umapir si Meg sa ilang shows sa TV5 tulad ng Bagets at Kapitan Awesome dahil sa tie-up ng Viva at  Kapatid Network.

Pagkatapos ay naging cover girl siya sa magasing FHM at nailunsad siya sa sexy movie na Menor de Edad ng Viva Films na idinirehe ni Joel Lamangan.

“I was never under contract with TV5. I was originally from Viva and I signed with Viva for five years,” dagdag ni Meg. ”I did shows with TV5 like ‘Bagets’ because co-produced ito ng Viva. I was not growing anymore sa TV5 so when ABS offered me a contract, nag-decide ako na ma-transfer ako para maka-grow ako as an artist.”

Ibinunyag din ni Meg na makakatrabaho uli niya si Andi sa isang horror movie na ABNKKBSNPLAko?! Kasama si Jericho Rosales at produced din ng Viva Films.

(JAMES TY III)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top